Lovelife hugot ni Paolo: Pag nagmahal ka itodo mo na, hindi mo alam kung kailan ka mawawala sa mundo
Paolo Contis
NAPAKARAMING natutunan ni Paolo Contis sa ginampanan niyang karakter sa pelikulang “A Faraway Land” na ilang araw ding nag-number one sa Netflix.
In fairness, talagang tanggap na tanggap na ng mga manonood ang pagiging drama actor ni Paolo dahil pagkatapos ngang makatanggap ng papuri sa pelikulang “Through Night And Day” ay puro positive comments din ang ibinigay sa kanya sa “A Faraway Land”.
“I think naman one reason kaya very effective siya is because people don’t see me often cry because they always see me do comedy.
“And sabi nga nila ang mga comedians we really hide what we feel and siguro yun naman yung reason kung bakit very effective siya is because they really don’t see me often.
“Maybe pagdating ng araw pag palagi na nila akong nakikitang umiiyak baka hindi na effective at kailangan ko na bumalik sa pagpapapatawa, di ba? Ha-hahaha! Again, I’m very thankful,” pahayag ng Kapuso actor at TV host sa isang panayam.
Aniya pa, “I do my best to act from the heart. I do my best to put myself in the character kaya naman yung iyak ko sa mga characters ko totoong iyak ako nu’n. Hindi ako nandadaya. I really feel it. That’s why people feel what I feel.”
Mga totoong tao rin daw ang mga ginampanan nilang karakter sa movie na naninirahan na sa Faroe Island sa Europe.
“Maraming interracial marriages dun and to be honest, si direk Roni (Velasco) when she went to the Faroes to research and to write the script, lahat ng characters na yan may pinag-basehan na tao. Lahat.
“Hindi yan inimbentong character. Hindi ko sinabing parehong pareho ha. Pero may pinagbasehan yung character ni Majoy, yung vlogger, meron yun.
“Lahat yan may pinagbasehan who were with us during the shoot, we know their love stories, we’ve seen their partners. It was very fun shooting it kasi alam namin na galing sa kanila yung mga kuwentong yun,” lahad pa ni Paolo na kontrobersyal din ngayon dahil sa biglaang paghihiwalay nila ni LJ Reyes.
Naka-relate rin daw ang Kapuso comedian sa role niya bilang si Nico na isang documentary journalist sa kuwento, “Hindi naman ako masyadong nalalayo kay Nico. More or less, I often say what I want, I often know what I have to do when it comes to work, when it comes to love.
“Siguro ang talagang pagkakaiba lang namin mas emosyonal si Nico. Ako hindi ako masyado emosyonal na tao. I normally keep things to myself. I normally keep things hidden kapag may mga dinadala ako. I’m just really, really quiet.
“That’s one more thing na natutunan ko sa character ni Nico, baka nga dapat I should be more vulnerable and be more open to my emotions when it comes to everything,” paliwanag ng aktor.
Aniya pa, “Natutunan ko kay Nico pag nagmahal ka itodo mo na. You don’t know when ikaw mawawala sa mundo. You don’t know when you’re going to get a second opportunity in life.
“You can call Nico a hopeless romantic, some people can even call him an asshole di ba for pursuing Majoy. Pero sabi ko nga, hindi mo alam kung kailan ka tatamaan ng love and pag tinamaan ka it’s your decision whether to do the right decision, the wrong decision, or talagang makikinig ka sa puso mo.
“And yun yung natutunan ko kay Nico. Lahat ng bagay, hindi lang dapat sa love, dapat lahat ng bagay itodo mo,” pahayag pa ng Kapuso star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.