St. Benilde nanaig sa Mapua | Bandera

St. Benilde nanaig sa Mapua

Mike Lee - September 08, 2013 - 03:12 AM

Mga Laro sa Lunes
(The Arena)
4 p.m. JRU vs San Beda
6 p.m. Arellano vs San Sebastian
Team Standings:  Letran (9-2); San Beda (8-2); Perpetual (8-3); Jose Rizal (5-5); San Sebastian (5-5); St. Benilde (5-6); Emilio Aguinaldo (5-6); Lyceum (4-7); Arellano (3-7); Mapua (1-10)

KUMUHA uli ng magandang numero ang host College of St. Benilde sa tatlong inaasahang manlalaro tungo sa 64-62 panalo sa Mapua sa 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Paolo Taha ay gumawa ng 25 puntos at may 10 rebounds pa habang sina Jonathan Grey at Mark Romero ay naghatid ng 14 at 13 puntos para sa Blazers na umangat sa 5-6 karta at makadikit pa sa San Sebastian College at Jose Rizal University sa pang-apat na puwesto (5-5).

Sa huling yugto umarangkada ang laro ng Blazers para maisantabi ang magandang hamon na ibinigay ng Cardinals na natalo sa ikasiyam na diretso tungo sa 1-10 baraha.

Ang basket ni Joseph Eriobu ang naglapit sa Cardinals sa 54-52, pero nagtulong sina Taha, Romero at Grey sa 20-10 palitan tungo sa panalo.

Si Kenneth Ighalo ang nanguna sa tropa ni Mapua coach Fortunato “Atoy” Co sa kanyang 20 puntos ngunit ininda uli ng koponan ang mahinang endgame para manatiling walang panalo sa loob ng mahigit na dalawang buwan.

Mahalaga ang panalong nahablot ng tropa ni St. Benilde coach Gabby Velasco dahil ang Stags at Heavy Bombers ang maglalaban sa Lunes at isa sa kanila ang makakasalo ng Blazers sa puwesto.

Sa ikalawang laro,  nalusutan ng Emilio Aguinaldo College Generals ang University of Perpetual Help Altas, 70-68.

Si Jan Jamon ay gumawa ng 22 puntos para pamunuan ang Generals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending