JaMill nag-delete nga ba ng YouTube channel para makaiwas sa pagbabayad ng tax? | Bandera

JaMill nag-delete nga ba ng YouTube channel para makaiwas sa pagbabayad ng tax?

Therese Arceo - August 24, 2021 - 05:21 PM

USAP-USAPAN ngayon kung sino ang pinatutungkulang social media influencer ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa BIR, may isang couple vlogger na kumikita ng milyun-milyon mula sa paggawa ng vlogs ang biglaang nag-delete ng YouTube Channel. Para sa kanila, isa itong attempt para umiwas sa pagbabayad ng taxes.

Ayon rin sa initial investigation na isinagawa ng BIR, umabot ng P50 million hanggang P100 million ang kinita ng dalawa sa nakaraang dalawang taon ng pagba-vlog kaya nakapagpundar ito ng luxury cars at mala-mansion na tahanan sa isang lugar sa Metro Manila.

Ayon sa sources ng BIR, nagdesisyon daw ang couple na mag-delete ng channel pagkatapos ng anunsyo ni BIR Commissioner Caesar Dulay na kinakailangang magbayad ng taxes ang social media influencers na kumikita nang malaki mula sa social media patforns gaya ng Facebook at YouTube.

Dagdag pa ng BIR, mahigit 11 million subscribers ang couple vlogger ngunit wala naman itong inilabas na pangalan.

Ang mga vloggers ay maututuring na pasok sa self-employed category na subject to 12 percent value added tax kung aabot sa P3 million o higit pa ang natatanggap na annual income. Samantala, 8 percent naman kung mas mababa ito sa P3 million ngunit exempted sa tax kung hindi hihigit sa P250,000 ang kinikita kada taon.

Dito na nga naging matunog ang mag-dyowang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o kilala bilang JaMill dahil swak na swak ang mga detalyeng ibinahagi ng BIR sa dalawa.

Kamakailan ay nag-trending ang couple vloggers matapos magtanong ang mga taga-suporta nito kung bakit hindi na nila makita ang channel ng dalawa.

Ngunit base sa statement na kanilang inilabas, ang dahilan ng pagde-delete nila ng channel ay dahil nais nilang mag-focus sa kanilang relasyon.

Base rin sa nakalap naming impormasyon, wala sa Metro Manila ang bahay ng dalawa kundi nasa Nueva Ecija.

Bukas ang BANDERA para sa paliwanag ng JaMill ukol sa isyung ito kung sakaling mapatunayan na sila ang tinutukoy ng BIR.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending