JaMill balik-YouTube na, nagpaliwanag sa pag-delete ng dating channel: Matagal na kaming toxic... | Bandera

JaMill balik-YouTube na, nagpaliwanag sa pag-delete ng dating channel: Matagal na kaming toxic…

Ervin Santiago |September 16,2021
facebook
share this

JaMill balik-YouTube na, nagpaliwanag sa pag-delete ng dating channel: Matagal na kaming toxic…

Ervin Santiago - September 16, 2021 - 08:54 AM

Jayzam Manabat at Camille Trinidad

MATAPOS masangkot sa kontrobersya dahil sa biglaang pag-delete sa kanilang YouTube channel na may 12 million subscribers, nagbabalik na ang magdyowang vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, o mas kilala bilang JaMill.

Makalipas ang isang buwang pagkawala sa vlogging community, muling nagparamdam ang JaMill sa madlang pipol with their new YouTube channel.

Sa una nilang vlog, nagpaliwanag ang dalawa kung bakit nagdesisyon silang burahin na ang dati nilang  channel kahit na nga may mahigit 12 million na silang subscribers. 

Ayon kay Jayzam, unang-unang dahilan nga raw ay ang kanilang relasyon na talagang dumaan sa matitinding pagsubok ngayong 2021 kaya kinailangan muna nilang ayusin ito.

“Matagal na kaming nagiging toxic. Okay kami sa araw-araw noon kasi nasa healing stage kami ni Camille. Hindi talaga maganda ‘yung mga nangyayari sa amin. Pangit ng 2021 sa amin,” ani Jayzam. 

“Dito kami sinubok. Sinubok ang relasyon namin sa iba’t ibang klaseng paraan. ‘Yung mga alam n’yo at mga bagay na ‘di n’yo alam,” dagdag pa niyang paliwanag.

Ayon naman kay Camille, hindi biro ang pinagdaanan nila nitong mga nakaraang buwan. Sa katunayan, habang nagiging close raw sila kay Lord ay parang mas tumitindi raw ang mga temptation sa kanila.

Sinang-ayunan naman ito ni Jayzam, “Walang umaawat sa amin. Mas nakakatakot nga ‘yung kapag nasa mali ka, mapi-feel mo na tama lahat ng ginagawa mo. Pero kapag humaharap ka na sa tama, saka ka hinahatak ng mga kampon ng kadiliman.” 

Pahayag pa ni Jayzam, “Umabot na sa punto na nandito ka lang ba sa akin dahil may channel tayo.’ Nagkakwestyunan na kami ni Camille. Baka kung wala ‘yung channel na ‘yan matagal ka nang umalis sa feeling ko.’” 

Isa pa sa naging matinding rason ng pamamaalam nila sa dati nilang YT channel ay ang pakikipag-usap ni Camille sa isang brand para sa isang long-term project. 

Kinailangan daw muna kasing sumailalim si Camille sa counseling session para ma-check ang kanyang mental state bago magawa ang nasabing collab.

At noong ini-interview na raw siya about her relationship with Jayzam, doon na nag-trigger ang ilang hindi inaasahang pangyayari.

Isa raw sa mga tanong sa kanya ay kung totoo pa ba ang relasyon nila ni Jayzam o baka dahil na lamang ito sa kanilang YouTube. Nauwi raw ito sa away hanggang sa binura na ni Camille ang kanilang channel.   

“Ako ang nag-delete ng channel kasi na-trigger ako. Nagsisi naman ako guys. And nakakalungkot naman talaga na isang iglap, bakit ko ginawa?” aniya.

Sabi naman sa kanya ni Jayzam, “Naintindihan kita. Wala akong pake kahit dinilete mo. Ikaw ang mahalaga. Ikaw ang mahal ko. Mas mahal kita kaysa sa channel na yun.

“Alam kong pinaghirapan namin ‘yon. Ang dami naming sinacrifice para du’n. Pero nangibabaw sa isip ko na mas mahalaga sa akin si Camille. Mahal ko ‘tong taong to talaga,” sabi pa niya.

Nito lang nagdaang August inihayag ng magdyowa na deleted na ang kanilang YouTube channel na talagang ikina-shock netizens. Anila, nais muna nilang protektahan ang kanilang relationship at ayusin ang kanilang mga issue.

May lumabas namang chika na may kinalaman umano sa pagbabayad ng tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-delete nila sa kanilang channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 200,000 subscribers na ang bagong channel ng JaMill sa YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending