Bahay ng JaMill for sale; mamahaling sasakyan nabenta na | Bandera

Bahay ng JaMill for sale; mamahaling sasakyan nabenta na

Therese Arceo |August 28,2021
facebook
share this

Bahay ng JaMill for sale; mamahaling sasakyan nabenta na

Therese Arceo - August 28, 2021 - 05:34 PM


MATAPOS ang pagde-delete ng YouTube channel nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad at ang isyu tungkol sa tax evasion, trending na naman ang magdyowa dahil sa naglalabasang photos ng kanilang sasakyan at bahay sa Facebook Marketplace.

Isang netizen ang nagpost ng mga larawan ng bahay ng dating couple vloggers na may caption na, “For sale! Two-storey house with swimming pool, kasama lahat ng gamit sa bahay.

“Looking for [a] direct buyer. Hindi po ako ahente or broker. I was instructed by the owner themselves to transact on their behalf.”

Dagdag pa ng netizen, hindi ito mag-eentertain ng mga tanong o tsismis ukol sa may-ari ng bahay.

Hindi pa man nakaka-move on ang mga fans sa balitang for sale ang bahay ng JaMill ay may isa na namang balita ang bumulaga sa kanila kung saan sold na ang sasakyan na Jeep Wrangler na pinakamamahal ng dalawa.

Marami ang curious kung naghihirap na ba ang dalawa matapos i-delete ang YouTube channel. Mayroon namang nagsasabi na baka binebenta ang bahay dahil maghihiwalay na sila at paghahatian ang lahat nang naipundar noong nagba-vlog pa sila.

Nananatili namang tahimik ang dalawa at ang huling update pa sa kanilang page ay ang song cover ni Camille habang hawak ang kanilang alagang aso.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending