Carmina biglang naiyak sa tanong ni Zoren; Mavy super proud sa kanyang mommy | Bandera

Carmina biglang naiyak sa tanong ni Zoren; Mavy super proud sa kanyang mommy

Ervin Santiago |August 23,2021
facebook
share this

Carmina biglang naiyak sa tanong ni Zoren; Mavy super proud sa kanyang mommy

Ervin Santiago - August 23, 2021 - 08:55 AM

Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy at Cassy Legaspi

SUPER cry ang Kapuso actress at TV host na si Carmina Villarroel nang mapag-usapan ang yumao niyang ina na si Carmen Muñiz-Villarroel.

Tinanong kasi siya ng asawang si Zoren Legaspi kung ano ang nami-miss niya sa kanyang nanay ngayong nagdiriwang siya ng 46th birthday.

“Siguro, kung paano niya ako alagaan, especially when I’m sick. Siguro kasi now that I’m a mother, na-realize ko ‘yung importance of having a mom,” ang simulang tugon ng aktres sa nakaraang episode ng “Sarap, ‘Di Ba?”.

“Si Mommy Menchu left us. Ako kasi I was very young din eh, so ang dami kong hindi nagawa with Mommy Menchu,” dugtong ni Carmina na medyo mangiyak-ngiyak na.

Aniya pa, kahit na isa na rin siyang nanay sa kambal nila ni Zoren na sina Mavy at Cassy, may mga pagkakataon na hinahanap-hanap pa rin niya ang kalinga at yakap ng kanyang Mommy Menchu.

“‘Yung pag-aalaga niya sa akin especially when I’m sick or her just being there. Siguro as you grow older you don’t really need to talk, but ‘yung yakapin ka lang niya,” lahad pa ni Carmina.

Samantala, ibinandera naman ni Mavy kung gaano siya ka-proud sa kanyang mommy na talagang mula noon hanggang ngayon ay naging hands-on sa pag-aalaga sa kanila ni Cassy.

“At least nasabi ni mommy ‘yun, there are things na hindi niya nagawa. But as a son I can say nagawa niya ang lahat as a mother. So I’m very proud of you as my mother,” mensahe ng young actor para kay Mina.

“I’m very sure that Mommy Menchu is looking down on you and saying that you’re doing a great job because lahat ng nagawa niya, nagagawa mo and more,” dagdag pang sabi ni Mavy.

Isang simpleng selebrasyon ang naganap para sa kaarawan ni Carmina nitong nagdaang Agosto 17 kasama siyempre ang kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending