Libreng GoWiFi at KonekTayo WiFi services hatid ng Globe para sa mga Dabawenyo
Nagsanib-pwersa ang Globe at lokal na pamahalaan ng Davao City para makapagbigay ng serbisyong GoWiFi at KonekTayo WiFi para matiyak na ligtas, informed, at konektado ang mga Dabaweño. Bahagi ito ng mas malawak na inisyatibo ng kumpanya para mapaglingkuran ang mga Pilipino gamit ang teknolohiya.
“Kaisa ng pamahalaang lungsod ng Davao ang Globe sa layunin ng siyudad na makapagbigay at makapaghatid ng mabilis at dekalidad na internet service para sa mga Dabawenyo. Buo ang aming suporta sa Davao City para maatim nito ang hinahangad na digital transformation,” sabi Ernest Cu, Globe President and CEO.
“Nasa digital space o online na ngayon ang ating kinabukasan at tagumpay, kaya’t nagpapasalamat kami sa mga nagbibigay ng serbisyo sa internet gaya ng Globe para matiyak na ang mga mamamayan ng Davao ay sumasabay sa mga progresibong bansa tungo sa pag-unlad,” ayon naman kay Davao City Mayor Sara Duterte.
Maglalagay ang Globe ng libreng GoWiFi sa Davao City Hall at Davao City People’s Park para magamit ng mga City Hall workers at ng publiko sa kanilang mga pangangailangan at makausap ang mga mahal sa buhay. Ang GoWiFi ang pinakamalaking WiFi service sa Pilipinas at matatagpuan ito sa may 3,100 na lokasyon sa buong bansa.
“It is our great pleasure at Globe to bring and fulfill our core mission of creating wonderful experiences for Dabawenyos.. to have choices, overcome challenges, and discover new ways to enjoy life. We are fortunate to have the support and close partnership of the local government and we look forward to making further, steady steps to build on our fruitful partnership in the years to come,” said Issa Guevarra-Cabreira, Globe’s Chief Commercial Officer.
Ang pagkakaroon ng Globe GoWiFi at KonekTayo WiFi sa Davao ay mahalaga sa mga Dabawenyos na umaasa sa matibay na internet connection upang makapagtrabaho, makapag aral, magkaroon ng access sa healthcare at iba pang importanteng serbisyo ngayong panahon ng pandemya.
“Kaisa kami ng Globe para mapabuti ang buhay ng mga Dabawenyo sa pamamagitan ng maayos at maaasahan na internet service. Malaki ang aming pasasalamat sa pribadong sektor na siyang umaagapay sa mga Dabawenyo. Hinahangad namin na magpatuloy ang ganitong kooperasyon para matugunan ang tumataas na pangangailangan para sa internet service sa buong bansa,” sabi ni Davao Vice-Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Ang KonekTayo WiFi naman ay ilalagay sa Bucana, Sasa, at SIR Village 1 and 2 para magamit ng mga residente sa murang halaga. Kailangan lamang pumunta sa KonekTayo hotspot sa kanilang lugar at maaaring magkaroon ng hanggang 20 Mbps na koneksyon sa Internet.
Maliban sa KonekTayo, mayroon ding mga ambassadorship training na gagawin ang Globe sa mga nasabing lugar para maturuan ang mga kabataan pati na rin ang mga magulang tungkol sa responsableng paggamit ng Internet lalo na at online pa ang mga klase. Ito ay para mapangalagaan din sila sa mga panganib na dulot ng Internet.
Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals partikular ang UN SDG No. 9, na nagpapakita ng kahalagahan ng imprastraktura at pagbabago bilang makabuluhang susi sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nangako ang Globe na isusulong ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.