Bandera "One on One": Rufa Mae Quinto | Bandera

Bandera “One on One”: Rufa Mae Quinto

- April 12, 2010 - 02:20 PM

Bandera, Philippine Entertainment

“MALALIM akong tao!”
‘Yan ang paulit-ulit na sinabi ni Rufa Mae Quinto nu’ng tanungin namin siya kung ano ba siya talaga kapag wala na sa harap ng mga camera. Ayon kay Rufa Mae, kung napapanood natin siya sa TV at sa pelikula na laging nagpapatawa at nagpapaseksi, sa tunay na buhay daw ay seryoso siyang tao.
Sa pakikipag-usap namin kay Rufa Mae ay naniniwala kaming malalim nga siyang tao, pero hindi mo pa rin maiaalis sa kanya ang pagiging komedyante kahit na seryoso na ang inyong pagchichikahan. Lalabas at lalabas pa rin kung ano talaga ang nasa puso niya. Isa sa mga nadiskubre namin ay ang pagiging matulungin ng sexy comedienne, at ang kagustuhan niyang magkaroon ng maraming anak, pati na rin ang plano niyang pag-quit sa showbiz kapag may sarili na siyang pamilya.

BANDERA: Masaya ka ba ngayon sa buhay mo?
RUFA MAE QUINTO: Oo, naman! Sobra! Napakaraming blessings na ibinibigay ng Diyos sa akin, kaya bakit naman hindi ako magiging masaya, di ba? Aside from my career, nandiyan din ang family ko, ang mag friends ko, at ang love of my life. So, san ka pa?

B: Sabi ng iba, hindi mo raw sineseryoso ang buhay mo, patawa-tawa ka lang daw kaya lagi ka lang masaya?
RMQ: Hindi naman sa hindi sineseryoso. I’m serious most of the times ha. Hindi lang kasi nila nakikita ‘yung other side of me. Super serious ako when it comes to my family, when it comes to relationships. Yes, you can see, ganito ako manamit, gumaganap sa mga sexy roles, nagpapatawa pero deep inside, malalim akong tao. There’s something about Rufa Mae, kaya kita n’yo naman, halos lahat na-in-love sa charm ko! Hahahaha!”

B: Kapag may problema ka, ano ang ginagawa mo?
RMQ: Importante sa lahat, prayers talaga. ‘Yan ang secret weapon ko. Dasal lang nang dasal kapag may mga problema. Kahit na maraming trials, kailangan mag-thank you ka pa rin kay Lord. Di ba, sabi nga nila, hindi naman ibibigay ‘yo ang mga trials na yan kung hindi mo kakayanin. So, pray and pray until you succeed.
Tsaka lagi ko ngang sinasabi, positivity lang ang labanan! Dapat laging puro positive lang ang isipin mo sa buhay para mag-disappear ang mga negativity! Hindi mo dapat isipin ‘yang mga kanegahan. The more kasi na iniisip mo ang negative, talagang mada-down ka, maaapektuhan ka. That’s why ako, laging positive lang at laugh ka lang nang laugh dapat. Don’t cry na!

B: Totoo bang plano mo nang mag-retire sa showbiz kapag ikinasal ka na sa fiance mo? Ito ba ang request sa ‘yo ng boyfriend mo?
RMQ: No, naman. Ako mismo ang nag-decide na mag-lie-low kapag kasal na kami. Kasi, imagine, for 15 years nagtatrabaho ako, tuluy-tuloy. So, gusto ko namang bigyan ng time ‘yung sarili ko, ‘yung future family ko. So,  huwag nang masyadong tumodo sa career para mas maraming oras sa family at sa love.

B: May nagsasabi kasi na puro supporting roles na lang ang ibinibigay sa ‘yo ng GMA, hindi mo ba napi-feel na parang kinakawawa ka na ng Kapuso network?
RMQ: May ganu’n talaga? Hindi naman. Never ko namang na-feel na kinakawawa nila ako. Sobrang thankful pa nga ako dahil hindi ako nababakante, di ba? Tsaka, wala naman puwedeng kumawawa sa akin, e. I mean, hindi ko naman papayagan ‘yon, of course naman. At saka kung sa pagbibida lang, wala na akong mahihiling pa, wala akong insecurities sa mga ganyan. Sobra na akong contented, promise!
You know what, o, English talaga, di ba? Sa totoo lang, piling-pili na ‘yung ginagawa ko ngayon, kaya nga tatlo na lang ang shows ko sa GMA, e, yung Bubble Gang, Diva at Showbiz Central lang. Actually, nang sinabi ko nga na parang I need a break, maraming artista ang sumunod. So, at least, trendsetter pa rin ako, di ba. ‘Go! Go! Go!’ Ibang level na ‘to!’ Basta ako, happy lang, basta dapat masaya lang tayo lagi sa buhay wala nang rekla-reklamo diyan.

B: So, ngayon dahil financially stable ka na, hindi lang sarili mo ang nabibigyan mo ng luho, pati ang family mo na rin?
RMQ: Korek ka diyan. Kumbaga, ang gusto kong karerin at bidang-bida ako ngayon ay sa lovelife. In short, puwede akong magbakasyon ngayon ng mahaba, hindi lang out of the country kundi pati na rin sa iba’t ibang places sa Pilipinas. Sa mga probinsiya,  ganyan.
My gosh! You know, hindi ko talaga magawa ‘yan noon,  na kasama ko ang family ko. Kaya talagang ngayon, sobrang  ine-enjoy ang mga panahong kasama ko ang mga loved ones ko.  Ang dami kong bagay na nagagawa ngayon dahil hindi na ako tumotodo.
Kasi, like my grandma,  85 na siya, at least ngayon puwede na kaming mag-bonding nang todo-todo. Nagma-mahjong kami ganyan, abroad. In fact, na-meet ko rin ‘yung mga kamag-anak ko sa US, ang saya-saya talaga ng feeling ng ganu’n!

B: Totoo bang triple ng talent fee na nakukuha mo sa GMA ang offer ng TV5 sa ‘yo?
RMQ: Ah, parang ayaw kong mag-comment about that kasi usapang pang-managers na ‘yan, e. Pero dati akong galing sa Channel 5, doon nga ako nanalo ng award, doon ako galing sa Tropang Trumpo at Ispup. Kaya ang Channel 5 sa akin, actually, malaking tulong dahil doon din ako nag-umpisa. Pero ‘yung paglipat, wala pa namang ganu’ng drama.

B: Yung tungkol sa multi-million house and lot mo raw sa USA, galing ba talaga ‘yun sa karelasyon mo ngayon?
RMQ: Alam mo, nu’ng mabalitaan ko nga ‘yan, ang unang reaction ko, ‘Sino ba ang mga ‘yan? Totoong tao ba sila?’ Kasi baka gawa-gawa lang ng kung sino diyan, di ba? Kaya inisip ko na baka imaginary friends lang sila! Ang funny pa, sobrang big issue sa kanila na may bahay na ako sa US. Gosh, hindi sila busy sa ibang bagay at ako ang pinag-iinitan nila! At nakalagay pa sa e-mail na nakitira lang daw ako doon sa bahay, tapos inangkin ko na! Parang mga stalker ko sila, di ba? Alam nila kung saan ako pumupunta!
Kaya nga regalo sa akin, di ba? Hindi ako ang bumili kundi iniregalo sa akin. Understandable naman na hindi ako puwedeng makabili ng properties sa US kasi hindi naman ako tagadun. Yung karelasyon ko ngayon ang gumawa ng paraan para maregaluhan ako ng bahay. At ililipat niya ‘yon sa name ko very soon, kaya hintayin nila at ipapakita ko sa kanila ang mga papeles na gusto nilang makita para matahimik na ang buhay nila.

B: So, kelan na nga ba ang kasal n’yo ng iyong fiance?
RMQ: Actually, matagal na siyang nag-propose sa akin. Yung engagement ring, hindi ko siya sinusuot kapag nasa mga showbiz events  ako. Talagang itinatago namin ‘yon, kasi gusto namin na right time sabihin lahat. Pero dahil ang dami na ngang nangungulit, parang nape-pressure na rin ako. Basta, wait na lang kayo dahil sosorpresahin ko na lang kayo ng bonggang-bongga.

B: Ready ka na rin bang magka-baby? Ilang anak ba ang gusto mo?
RMQ: Buntis? Parang hindi ko pa siya naiisip. Pero gusto ko ng maraming anak. Di ba, galing ako sa malaking family. Masaya kasi kapag marami kayong magkakapatid. Maganda ang bonding kapag marami kayo sa family. Pero napagkasunduan namin na huwag munang mag-baby. Kasi magta-travel pa kami sa kung saan-saan. Kapag okey na lahat at kaya na naming magpamilya, then go, go, go! Pagaspas na sa pagbubuntis!

B: Balitang nag-soul searching ka ng ilang beses dahil hindi mo na alam kung paano patatakbuhin ang buhay mo? Totoo ba ito?
RMQ: Totoo ‘yan. Remeber, nu’ng magtu-28 years old ako, talagang uupo na lang ako sa isang tabi tapos mag-iisip-isip na ako kung ano ba talaga ang purpose ko in life? I have so many questions. Kaya nga minsan, gusto ko na may mga shows ako sa ibang bansa, kasi chance ko ‘yon na mag-isa at mag-isip nang tahimik.
Kaya kapag nag-iisa ako, doon ko naiisip na hindi lang pala ang pang-sariling kasiyahan ang hanap ko kundi pati kasiyahan ng mga tao na nasa paligid ko. Kaya siguro ako nagtatrabaho nang bonggang-bongga ay hindi para sa akin lang. Siguro nga ang purpose ng buhay ko ngayon ay ang makatulong pa, hindi lang sa pamilya ko kundi sa ibang tao na rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bandera, Philippine Entertainment 041210

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending