Pia binalikan ang 'first date' nila ni Jeremy; sumama agad magkape, binigay agad ang number | Bandera

Pia binalikan ang ‘first date’ nila ni Jeremy; sumama agad magkape, binigay agad ang number

Ervin Santiago |August 12,2021
facebook
share this

Pia binalikan ang ‘first date’ nila ni Jeremy; sumama agad magkape, binigay agad ang number

Ervin Santiago - August 12, 2021 - 08:56 AM

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

BINALIKAN ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang araw nang makilala niya up close and personal ang boyfriend na niya ngayon na si Jeremy Jauncey sa London. 

Kuwento ng TV host-actress, nangyari ang kanilang makasaysayang pagkikita sa isang sikat na shopping at entertainment hub habang nagbabakasyon siya sa UK. 

Ani Pia sa chikahan nila ng celebrity photographer na si BJ Pascual, “Umuwi ako nu’n para i-surprise ‘yung Mama ko for her birthday. Tapos umuwi na rin ako ng Pilipinas after a few days tapos nakita niya ako. ‘Yun ang maganda du’n. Nakita niya ako.” 

“Pero we already know of each other kasi siyempre kasi fina-follow ko naman ‘yung Beautiful Destinations kahit hindi ko pa siya nakilala. 

“And nakailang beses na rin siya pumunta ng Pilipinas. And meron na kaming parang muntik na mag-meet pero hindi lang natutuloy. Parang ganun,” lahad pa ng dalaga. 

“Nu’ng umuwi siya ng Philippines, 2016. And nasa New York siya tapos reigning Miss Universe din ako nu’ng time na ‘yun. May event din na pareho kaming nandu’n. Pero, hindi lang nangyayari,” dugtong pa niyang chika.

Inamin ng beauty queen na talagang unang kita pa lang ay naguwapuhan na agad siya kay Jeremy.

“So, parang I know of him and he knows of me tapos du’n na kami nagkakilala sa Covent Garden sa UK. Tapos playing it cool ako pero hiyang-hiya talaga ako kasi sobrang siyempre, naguwapuhan ako sa kanya,” sey ni Pia.

Hindi naman daw niya na-feel agad na type siyang dyowain ng binata dahil napaka-casual lang umano ng approach nito sa kanya. Hindi raw talaga siya nakaramdam that time ng malisya.

“Super friendly naman siya. It didn’t come off as parang nag-approach. Kasi ‘di ba may ganun parang may nag-approach tapos mafi-feel mo na this guy is just trying to hit on you. It wasn’t like that at all naman,” aniya pa.

Nang yayain daw siya nitong mag-coffee ay hindi na raw siya nag-inarte at nang maging kumportable na siya sa binata ay agad din niyang ibinigay ang cellphone number niya.

“Wow! Pero pumayag naman ako agad magkape, ‘di ba? Pero magaan din kasi ang vibe niya. So, hindi ko naman na-feel ‘yun. And then, I still have a few days there. So, nagmi-message kami. So, binigay ko na din pala number ko,” chika ng dalaga.

Pagbabalik-tanaw pa ni Pia, siya naman ang nagyaya kay Jeremy na samahan siyang mag-New Year sa UK. 

“Nag-dinner kami nu’ng last day ko bago ako umuwi ng UK. Tapos after namin mag-dinner, tinanong niya ako kung ano’ng plano ko for Christmas. Sabi ko, ‘Oh I’m just going to be here in the UK.

“I’ll spend it with my family. Tapos sabi niya, sakto, ‘I’ll be in Scotland.’ UK pa rin naman, pero medyo malayo lang. Sabi ko ‘You want to spend New Year’s together?’ Ako talaga ‘yung nagtanong.

“Tapos sabi niya, ‘Yes.’ Actually, iniisip niya nga raw ‘yun. Ganyan. Tapos pinlano na niya lahat. Tapos pinuntahan niya pa pala ako bago nangyari ‘yung New Year na ‘yun,” chika ng TV host.

And after ng unang New Year celebration nila together sa UK nasundan pa nang nasundan ang pagkikita nila hanggang sa maging sila na nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, nagkita pa kami a few times before that. But it really all started in the UK. And really by chance,” sey pa ng Filipina Miss Universe title holder.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending