Ate Vi na-shock sa pasabog ni Luis: Dyusko anak, nakakahiya ka! | Bandera

Ate Vi na-shock sa pasabog ni Luis: Dyusko anak, nakakahiya ka!

Reggee Bonoan |August 11,2021
facebook
share this

Ate Vi na-shock sa pasabog ni Luis: Dyusko anak, nakakahiya ka!

Reggee Bonoan - August 11, 2021 - 05:53 PM

Luis Manzano at Vilma Santos

NATATAWA talaga ang mga tao sa mga kalokohan ni Luis Manzano kapag may mga post siya sa kanyang social media account pero iba pa rin kapag ang nanay nitong si Congw. Vilma Santos-Recto ang kasama niya dahil sasakit talaga ang tiyan mo sa katatawa.

Hiyang-hiya si Congw. Vilma sa itsura ng anak na sa edad na 40 at sobrang laki ng katawan ay nakasuot pa ng masikip na shorts at mukhang si Bondying (Little Big Boy) sa kanyang Zumba sessions kasama ang mga kaibigan.

Sa latest vlog ni Luis sa Zumba time with Momski na in-upload niya sa kanyang YouTube channel nitong Martes ng gabi ay dala raw ng pangangailangan kaya ginawa niya ito dahil wala siyang hosting job ngayon.

Sabi ng nanay niya, “Sabi niya i-share ko kung ano ‘yung mga ginagawa kong exercise sa bahay, nagba-bike, naghu-hulahoop, minsan nagsasayaw, at minsan ho nagsu-zumba kasama ang mga classmates ko (sabay turo). Sabi po niya mayroon daw siyang ipapadala na ‘coach’ na gusto niya magtuturo raw po sa amin. Anak make sure ha, magaling ‘yan.”

At dumating na nga si “coach” at si Luis pa rin pala ito na may bitbit na yoga mat at gallon ng tubig na inuman daw niya wearing his super tight shorts at shirt, striped socks and rubber shoes at pink headband.

Naiiling na may halong pagkahiya ang reaksyon ng nanay niya.

Sabi ng TV host, “Gusto kong sabihin kaya ko pinasok to ay gipit ako. Tawang-tawa sa akin ang ina ko, bakit momskie?

“Nahihiya ako,” tawang-tawa ring sabi ni Congw. Vilma, “Sige game, anong ituturo mo?”

Sabi pa ni Luis, “Momskie bago tayo magsimula, anong masasabi mo sa suot ko, sa porma ko?”

Sagot ng ina, “Talaga bang nangangailangan ka?”

“Wala kang inaabot lately (tawa nang tawa pa rin si Ate Vi). Wala kang inaabot. Nasanay akong may paayuda, ngayon nganga,” sagot ng hubby ni Jessy Mendiola na siyang kumukuha ng video.

At sinimulan na ang pagtuturo kuno ni Luis na balikat muna at saka ang bagong steps ni Luis na open-open, offer-offer, the shake, lick it, sa awitin niyang “How 2 BU (Ang Gwapo Ko)”. Hindi na alam ni Congw. Vilma ang gagawin sa hiya.

Sabi nito sa anak, “Dyusko anak, nakakahiya ka!”

Inunahan naman agad ng Star for All Seasons ang mga manonood at nagpaliwanag na pinasasaya lang nila ang publiko sa pamamagitan ng vlog ng anak at hiniling din niyang mag-subscribe rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bilang isang ina nakikiusap po ako na mag l-subscribe naman kayo sa kanya parang awa n’yo na po para kahit paano may income siya ng konti at sisiguraduhin ko ‘yung income niya ise-share rin niya sa inyo,” pahayag ni Congw. Vilma.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending