Banat ni Ellen sa basher: Day, ayokong ma-dedz sa COVID! Isip-isip din pag may time! | Bandera

Banat ni Ellen sa basher: Day, ayokong ma-dedz sa COVID! Isip-isip din pag may time!

Ervin Santiago - August 11, 2021 - 10:38 AM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

“ANG COVID walang pinipili,  mayaman man o hindi wag tanga-tangahan!” 

Yan ang bwelta ng fiancé ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna sa mga netizens na nagsasabing wala raw siyang malasakit at pagpapahalaga sa kanyang mga katrabaho.

May konek pa rin ito sa kontrobersyal na pagwo-walkout umano ng sexy actress sa last taping day ng comedy show ng TV5 na “John en Ellen” kasama si John Estrada.

Kahit na nagpaliwanag na siya tungkol sa issue ay ayaw pa rin siyang tantanan ng mga netizens na patuloy ang pangnenega sa kanya pati na sa future husband niyang si Derek.

May isang netizen ang nagkomento sa kanyang Instagram post at pinagsabihan siya na sana’y maging sensitive naman sa pangangailangan ng kanyang kapwa at hindi puro sarili na lamang niya ang kanyang iniitindi.

“Matuto mo din sanang pahalagahan yung mga taong nagtatrabaho sa industriyang ginagalawan mo, kahit mayaman ka pa tandaan mo tao din silang tulad mo na kelangan mabuhay,” sabi ng IG user.

Paliwanag naman ni Ellen, ginawa lamang niya ang sa tingin niya ay tama dahil patuloy pa rin ang banta ng pandemya at number one priority pa rin niya ang kanyang health pati na ang kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay.

Resbak ng aktres, “Dai, ang covid walang pinipili.. mayaman man o hindi wag tanga tangahan.

“Like i said, my safety and health is my number 1 priority and that is my choice. Not yours,” paliwanag pa ng partner ni Derek.

Pahabol pa niya, “And tama ka, tao din ako, and gusto ko mabuhay ayaw ko ma dedz sa covid.

“Isip isip din pag may time wala ka naman alam kung ano ang nangyari diba?

“Nag sorry na nga din si Long kc nagsalita cya without knowing the facts,” diin pa niya na ang tinutukoy ay ang kasamahan niya sa “John en Ellen” na si Long Mejia.

Sa isang panayam kasi, binanatan ng komedyante si Ellen dahil sa pagiging “unprofessional” nito matapos ngang mag-walkout umano sa kanilang taping. Ngunit makalipas ang isang araw, nag-sorry din si Long kay Ellen pati na kay Derek. 

Aniya, hindi raw siya aware sa naging usapan ni Ellen at ng production tungkol sa cut-off time ng aktres sa last taping day nila. 

Nauna rito, dinenay na ni Ellen na nag-walkout siya sa huling araw ng kanilang taping sa pamamagitan ng kanyang Instagram, “There is what u call the LAW and IATF protocols and because of covid, it must be strictly implemented.

“I know my rights and before you say and assume, know your rights too so you can set limits and boundaries (its good and healthy for you).

“Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical. I was promised a cutoff and even i extended it for another hour para walang masabi (i have receipts to prove this too).

“I guess someone wasnt informed of some crucial information. Right direc? @tagaakay @rubybrillo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I think its just right to honour your word and dont make promises you cant keep. Bottom line, we just have different priorities and my health and safety is # 1,” paglilinaw pa ni Ellen Adarna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending