Nas Daily may bwelta sa mga nagpapakalat ng 'fake news' | Bandera

Nas Daily may bwelta sa mga nagpapakalat ng ‘fake news’

Therese Arceo - August 11, 2021 - 07:43 AM


NAGSALITA na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily sa mga akusasyon na binabato sa kanya.

Ayon sa inilabas na 6-minute video na inilabas ng Palestinian-Israeli vlogger, wala raw katotohanan ang mga ibinabato sa kanya tulad ng “scam” na Whang-Od Academy.

Pinabulaan rin nito ang akusasyon sa kanya ng social entrepreneur na si Louise Mabulo na ginagamit lang nito ang Pilipinas bilang ‘clickable content’ dahil raw uhaw ang mga Pilipino sa foreign validation na siyang inaabuso raw ng vlogger.

“There is no clickbaiting here. There is no ‘put Philippines’ in the title crap. This is us, on the ground doing the work to show you the bright side of the Philippines,” saad ni Nas.

Mahal raw nito ang Pilipinas at malinis ang kaniyang intensyon sa mga ginagawa nitong content. Nais lamang raw nitong ipakita ang bright side ng bansa.

Ikinuwento pa nito kung paano siya tumulong noong panahon ng Marawi Siege at noong nasalanta ang bansa ng bagyo dahil nga may pakialam siya sa Pilipinas at sa mga Pilipino.

Ayon kay Nas, kaya raw hindi natuloy ang pag-feature niya sa istorya ni Louise ay dahil “fake” daw umano ang Cacao Project nito.

“On paper, it was supposed to be a non-profit that helps farmers. In reality, it’s a forprofit that exploits farmers. We said we cannot do this video in good conscience. We cannoy show you things that we are not confident of,” pagpapatuloy ni Nas.

Ayon pa sa kanya, may iba pang mga tao na magpapatunay na hindi totoo ang Cacao Project. Inilabas niya rin ang ilang mga screenshot galing sa comments at personal message na nagpapatotoo na tama ang kanyang sinasabi.

Giit pa ng Palestinian-Israeli vlogger, marami mga tao ang naniwala sa fake news na sinabi ni Louise, at ito rin ang mga taong nagsasabi na ginamit niya si Apo Whang-Od na wala rin raw katotohanan.

Sinisigurado rin daw niya na humihingi siya ng permiso sa mga taong kasama sa bawat ginagawa nito.

“We worked with the family directly and got their consent. We made sure to support them during these difficult times. We did all of these as an act of support, not an act of exploitation,” muling saad niya.

Ngunit ayon kay Gracia Palicas na unang nag-call out sa binata, wala raw naintindihan ang kaniyang lola sa kontratang sinasabi ni Nas.

Isa pa, batay sa Indigenous Peoples Rights Act, ang pag-gamit sa kultura o kaalaman ng mga indigenous people para sa commercial purposes ay nangangailangan ng pahintulot ng buong tribo.

Bukod pa rito, dapat ay mayroong representative mula sa National Commission for Indigenous Peoples (NCIP) bilang saksi at dapat ay may bersyon ang kontrata kung saan nakasulat ito sa wikang Kinalingga.

At dahil nga sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang partido, inihinto muna ni Nas ang Nas Academy para siguraduhing tama at nasa legal na proseso ang lahat.

“That’s why we paused Nas Academy for now to work with NCIP to make sure everything is legal and everything is okay because we care.

“Don’t get me wrong. We’re not perfect. We make mistakes. But our intentions are pure,” pagbabahagi niya.

Ayon rin sa vlogger, wala raw magbabago at patuloy niyang susuportahan ang Pilipinas. Nabanggit rin nito ang pagbubukas ng opisina dito na magbibigay ng trabaho para sa ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanging hiling lang niya ay sana bago tayo gumawa ng opinion sa isang bagay, ay matuto tayong alamin muna ang katotohanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending