Jairus hindi pinlano na maging artista: Bigla na lang nangyari | Bandera

Jairus hindi pinlano na maging artista: Bigla na lang nangyari

Therese Arceo |August 10,2021
facebook
share this

Jairus hindi pinlano na maging artista: Bigla na lang nangyari

Therese Arceo - August 10, 2021 - 07:32 PM


UMAMIN si Jairus Aquino na hindi niya pinlano at hindi niya kailanman naging intensyon na pasukin ang mundo ng show business. Bigla na lang daw dumating ang oportunidad kaya agad niyang tinanggap.

Sa vlog ng kaibigang si Kid Yambao, ikinuwento ni Jairus ang kwento kung paano ito nagsimula sa showbiz.

Apat na taong gulang lamang ang Kapamilya actor nang una itong sumabak sa isang commercial ngunit agad rin siyang huminto dahil pakiramdam ng mga magulang niya ay masyado pa siyang bata para rito.

Ngunit pagkatapos ng isang taon, biglang bumukas ang oportunidad sa batang aktor na mag-audition sa “Super Inggo”.

Ayon sa kanya, napilitan siyang mag-audition dahil nagkaroon sila ng kasunduan ng ina na kung maraming tao sa audition ay uuwi na lang sila ngunit kung wala, tumuloy sila.

Sakto naman na walang tao sa audition dahil pangatlong pagkakataon na raw na naghahanap ng talent para sa role kaya no choice siya kung hindi sumubok sa audition.

Ang “Super Inggo” ang nagsilbing break ng aktor sa showbiz kung saan nakasama niya si Makisig Morales at Kathryn Bernardo.

“Sa una, hindi ko maramdaman. Akala ko naglalaro lang ako. Akala ko I’m just doing it for fun. Pero nung nagkaedad na ako, doon ko naramdaman na gusto ko pala ‘to, na hahanap-hanapin ko ‘yung ganitong klaseng trabaho,” pag-amin ng aktor.

Sa kasagsagan ng pag-uusap ng dalawa, inilaglag ni Kid kung anong klaseng kaibigan si Jairus.

Ayon kay Hashtag Kid, seloso raw si Jairus. Dagdag pa nito, clingy raw ito kapag naging kaibigan mo ito.

“Kapag naging magkaibigan kayo, dapat siya ‘yung pinaka sa lahat. Pinaka-close, pinaka-sweet, pinakamabait, pinakagwapo. Kailangan siya ‘yung pinaka kasi pag may pumangalawa, patay ka na. Hindi na kayo magkaibigan,” natatawang bisto ni Kid sa kaibigan.

Naging magkasama ang dalawa sa teleseryeng “Pamilya Ko” noong 2019 kung saan gumanap sila bilang magkapatid. Dito nga nabuo ang closeness ng dalawa.

Dagdag pa nito, nag-selos raw si Jairus sa isa pang bestfriend ni Kid na si Vito Marquez.

Dumadalaw kasi ito sa taping dahil parte ng cast ang ama nitong si Joey Marquez at minsan nga nang dumalaw ito ay nakita niya si Jairus na nagseselos sa gilid.

Naging seryoso namang muli ang usapan ng dalawa at napunta sa mga karanasan ngayong pandemic.

Ayon sa aktor, dahil sa mga nangyari noong nakaraang taon, na-control na nito ang sarili na piliin ang tama.

“Na-regain ko ‘yung peace na mayroon ako sa buhay ko na hindi ko hahayaang ma-compromise ng kahit na sinong tao,” saad ni Jairus.

Dagdag pa niya, naging inspirasyon niya si Kid dahil sa galing nito sa pag-handle ng naging problema nito.

Payo naman ng dalawa, sa kahit na anong pangyayari sa buhay, dapat marunong ka ring gawin sa sarili mo kung ano ang sinasabi mong payo sa iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko rin sabihin sa mga tao na always choose yourself. Always choose where will you be happy as long as wala kang tinatapakang tao,” dagdag pa ni Jairus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending