Jairus Aquino may pa-dyowa reveal: Akin ka na! Mahal na mahal kita! | Bandera

Jairus Aquino may pa-dyowa reveal: Akin ka na! Mahal na mahal kita!

Therese Arceo |February 22,2022
facebook
share this

Jairus Aquino may pa-dyowa reveal: Akin ka na! Mahal na mahal kita!

Therese Arceo - February 22, 2022 - 08:20 PM

Jairus Aquino may pa-dyowa reveal: Akin ka na! Mahal na mahal kita!

PROUD na ibinandera ng aktor na si Jairus Aquino ang kanyang bagong dyowa na si Andrea Angeles na isang vlogger.

Labis ang saya ng aktor ngayong opisyal na niyang ipinakilala sa publiko ang kanyang girlfriend na ipinost niya sa kanyang Instagram.

“Sabi nga sa kanta, you were just a dream that I once knew. Pero ngayon andito ka sa tabi ko at akin ka na! You deserve all the best in life baby! Mahal na mahal kita!” saad ni Jairus sa caption ng kanyang IG post.

Sa kanyang vlog naman ay ibinahagi niya ang kanyang mga ginawang moves para makamit ang matamis na “oo” ng dalaga.

Mapapanood sa video na pinili nito ang isang sinehan para isagawa ang plano niyang tanungin ang dalaga kung pwede ba niya itong maging girlfriend.

Sa huling parte naman ng vlog ay makikita na ipinapalabas sa sinehan ang kanilang sweet moment ng dalaga sabay ang tanong na “Iyya, will you be my lifetime?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jairus Reuel Aquino™ (@dothejairusaquino)

Nang matanggap ni Jairus ang matamis na “oo” no Andrea ay binigyan naman niya ito ng kwintas tanda ng kanyang pagmamahal sa dalaga.

Bago pa man ang vlog ni Jairus ay may mga videos na na inilalabas si Andrea kung saan ikinuwento niya na hindi pa raw sila magkarelasyon noon ni Jairus at nanliligaw pa lamang ito.

Amin niya, una raw niyang napansin ang aktor na naka-follow sa kanyang Instagram account kaya naman nag-followback siya sa aktor.

Bukod sa “Goin’ Bulilit,” nakilala rin si Aquino bilang on creen partner ni Sharlene San Pedro nang magsimula silang mapanood sa “Luv U” noong 2013. Nabuwag din ang JaiLene love team nila noong 2018.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2018 naman nang mabuwag ang kanilang loveteam na nakilalang JaiLene.

Bukod pa rito ay ilan pa sa kanyang mga naging teleserye ay ang Super Inggo (2007), Langit Lupa (2017), at Pamilya Ko (2020).

Related Chika:
Jairus hindi pinlano na maging artista: Bigla na lang nangyari
Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending