Sylvia nagluluksa sa pagpanaw ng program manager na inatake matapos matanggal sa ABS-CBN | Bandera

Sylvia nagluluksa sa pagpanaw ng program manager na inatake matapos matanggal sa ABS-CBN

Reggee Bonoan |July 24,2020
facebook
share this

Sylvia nagluluksa sa pagpanaw ng program manager na inatake matapos matanggal sa ABS-CBN

Reggee Bonoan - July 24, 2020 - 09:19 AM

NAGLULUKSA ngayon ang aktres na si Sylvia Sanchez dahil sa pagkamatay ng program manager ng teleserye niyang “Pamilya Ko” na si Mavic Holgado-Oducayen.

Ang “Pamilya Ko” ay pinagbibidahan nina Sylvia, Joey Marquez, JM de Guzman, Rosanna Roces, Kiko Estrada, Jairus Aquino, Maris Racal, Raikko Mateo, Irma Adlawan at marami pang iba mula sa direksyon nina Paco Sta. Ana at Raymund Ocampo.

Inatake sa puso si Ms. Mavic nu’ng ibalita sa kanya ng ABS-CBN HR na makakasama siya sa gagawing retrenchment ng network dahil nga hindi nabigyan ng bagong prangkisa ang istasyon at kailangang magbawas ng empleyado.
Nakauwi pa raw sa bahay nila si Ms. Mavic at saka nag-collapse at nang isugod sa hospital ay brain dead na.

Narito ang mahaba at madamdaming post ni Sylvia sa kanyang Facebook page nitong madaling araw ng Biyernes.

“Huling pagsasama at picture natin to @mavicoducayen noong July 10 araw ng botohan sa kongreso noong araw na iga-grant o hindi ang franchise ng ABS-CBN.

“Nagulat ka noong makita mo ako at ang sabi mo, Ibiang bat andito ka? DELIKADO sayo! Ka-kaopera (kidney) mo lang at kakalabas mo lang ngayon sa hospital, tatlong beses mo ako pinipilit umuwi, sabi ko sa’yo ok lang Ms. Mavic, kaya ko ang sakit at panghihina ko na galing pa ako sa operasyon pwedeng mawala at makalimutan balang araw, pero ang sakit at konsensya na di ko nasuportahan at nasamahan ang pangalawang tahanan ko na naglapag ng pagkain sa pamilya ko ng 27 yrs at di ko nasamahan ang mga Kapamilya ko sa araw ng desisyon ng kongreso ay di ko kakayaning dalhin habang buhay.

“Ayaw kong pagsisihan yan!! Noong marinig mo ‘yong rason ko, sabi mo lang ok Ibiang, pero uwi ka kaagad ha, d mo ako tinantanan sa pagpapauwi, kulit-kulit mo ha ha ha kulang nalang kargahin mo ako papuntang kotse ko.
“At sabi nating dalawa miss na miss na natin ang isat isa, sanay akong bago mag lockdown magkasama tayo MWF sa taping ng Pamilya Ko, lagi tayong magkausap, nagtatawanan nagkukulitan usap about mga anak natin, bilang ikaw ang Production Manager ng Pamilya Ko. At sabi ko pa sa’yo Ms. Mavic bawal yakap at nagkatawanan na lang tayo ha ha ha.

“Kung alam ko lang na yon na pala ang huling araw na makita kita, e niyakap na kita ng pagkahigpit higpit.

“After ilang araw isa ka na sa nasabihan na isa ka sa mare-retrench. Ikinalungkot, ikinagalit, ikinasama ng loob mo ang nangyari sa ABSCBN at sa pagkawala bigla ng trabaho mo na iningatan at inalagaan mo sa mahigit dalawang dekada at isa ito sa naging dahilan kaya ka nawala sa piling namin.

“Ikaw ang sabi ng sabi uwi ka Biang kasi DELIKADO ka, ‘yon pala ikaw ang DELIKADO Ms. Mavic.

“Ang sakit-sakit ang lungkot-lungkot. Hindi sana nangyari ‘to kung pinairal lang sana ang kunsiderasyon para sa mga empleyadong katulad mo sa gitna ng pandemya.

“No more pain Ms. Mavic pahinga ka na at pakidasal n’yo ni Tita Angge (Cornelia Lee) lahat ng Kapamilya dyan sa langit ang Pilipinas at ang buong Mundo.

“I love you @mavicoducayen. Rest in peace. #goodsoul.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa aming lahat dito sa BANDERA, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Ms. Mavic.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending