Glaiza may gustong iwan; nagpagupit ng buhok para mas mabilis maka-move on | Bandera

Glaiza may gustong iwan; nagpagupit ng buhok para mas mabilis maka-move on

Ervin Santiago |August 08,2021
facebook
share this

Glaiza may gustong iwan; nagpagupit ng buhok para mas mabilis maka-move on

Ervin Santiago - August 08, 2021 - 02:19 PM

Glaiza de Castro

MAY pinagdaraanan nga ba ngayon sa kanyang personal na buhay ang singer-actress na si Glaiza de Castro kaya bigla siya nagbago ng hairstyle?

Pinusuan at umani ng sandamakmak na likes at comments ang Instagram post ng Kapuso leading lady kung saan ibinandera nga niya ang bagong gupit niyang buhok.

Makikita sa litrato ng  “Nagbabagang Luha” lead star ang kanyang cropped bangs at shoulder-length hair at ang tanong nga ng kanyang IG followers kung may malalim bang hugot ang aktres sa bago niyang hairdo.

Agad namang nilinaw ng aktres na wala itong kinalaman sa personal niyang buhay, nagpagupit daw siya para tuluyang maka-move on at makabitaw sa role niya bilang si  Maita sa Kapuso series na “Nagbabagang Luha” na nagsimula na last week.

“Kung napanood n’yo na po ‘yung Nagbabagang Luha, ako po do’n ‘yung walang bangs.

“Feeling ko lang kasi after every project talaga, kailangan ko mag-iba ng itsura para maiwan ko na rin ‘yung character ko,” paliwanag ni Glaiza.

Aniya pa, “Kumbaga para maka-move on na rin kami sa susunod pa naming character kasi mabibigat talaga ‘yung mga eksena.

“‘Yung mga napapanood n’yo recently, wala pa po doon ‘yung mga matitindi, establishing pa lang po ng mga character namin.

“Ini-introduce pa lang ‘yung mga relationship namin sa isa’t isa. kung hindi n’yo ko nakikita na ‘di pa masyadong umiiyak ay dahil wala pa masyadong dumadating na mabibigat na mga pangyayari pero abangan n’yo po ‘yan sa mga susunod na araw,” lahad pa ng dalaga.

Samantala, grabe rin daw ang ginawa niyang sakripisyo at preparasyon para sa nasabing proyekto, lalo na noong nasa pre-production stage pa lamang sila.

“Nasa Ireland ako that time. Gumigising ako nang madaling araw kasi iba ‘yung oras natin dito sa Pilipinas so, siyempre, during that time, hindi pa kami pwede magsama-sama nang personal.

“‘Yung script reading ginagawa lang din namin na ganito na Zoom lang talaga na hindi namin nakasanayan pero kailangan namin gawin.

“Tapos ‘yung mga workshops ay dati pwede kami magkita sa GMA, hindi namin nagawa ‘yun for this so given the time na we had na hindi kami pwede magkita nang personal, ‘yun ‘yung mga ginawa naming mga paghahanda.

“At bago namin ‘to nasimulan, maraming bagay na kinonsider, maraming mga changes kaya sa sobrang haba ng proseso, sobrang excited kami at masayang-masaya kami na ito na ‘yung fruits of our labor, ito na ‘yung pinaghirapan namin, ito na ‘yung trinabaho namin,” kuwento ng award-winning actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Glaiza ang gumaganap sa karakter ni Lorna Tolentino sa movie version ng “Nagbabagang Luha” na ipinalabas noong 1988 habang si Claire Castro naman ang magbibigay-buhay sa role ni Alice Dixson.
Napapanood ang “Nagbabagang Luha” sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending