Angeline: Ang unang gusto kong gawin after ng pandemic ay makapag-show uli abroad dahil... | Bandera

Angeline: Ang unang gusto kong gawin after ng pandemic ay makapag-show uli abroad dahil…

Ervin Santiago - August 03, 2021 - 08:33 AM

Erik Santos at Angeline Quinto

KUNG may isang nilu-look forward ang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto kapag natapos na ang pandemya, yan ay ang makapag-show uli sa iba’t ibang panig ng bansa.

Talagang miss na miss na raw ng singer-actress ang makapag-perform nang live lalo na sa harap ng mga kababayan natin na naninirahan na abroad.

Sa huling panayam namin kay Angeline sa ginanap na media launch para sa pagiging celebrity endorser ng Ayesha beauty products, sinabi ng dalaga na gusto na niya uling mag-show nang live sa ibang bansa.

Bukod sa pagbabalik ng mga live musical show sa ABS-CBN at sa mga concerts dito sa Pilipinas, sana raw ay matapos na nga ang COVID-19 pandemic para pwede na uling makapunta sa ibang bansa para makapag-perform sa mga Filipino community.

“Unang-una na gusto kong gawin after ng pandemic, gusto kong makapag-shows abroad ulit.

“Kasi siyempre, alam niyo, tayo po dito sa Pilipinas sobra po tayong nalulungkot. Alam ko kasi yung feeling nila, lalo sila, ang tagal nilang hindi nakasama ang pamilya nila,” pahayag ni Angge.
Alam daw kasi ng dalaga kung paano nalulungkot at naho-homesick ang mga kabababayan nating nasa ibang bansa, lalo na ang mga bayaning  OFW.

“Pero dahil sa mga shows na nagagawa namin, or kung sino man ang kasama namin, like Erik Santos, or mag-isa ako sa show, ultimo yung ipapadala nilang pera sa pamilya nila, e, ibibili nila ng ticket para sa show namin.

“So, yun, gusto kong mabalikan sila. Kumustahin sila doon kung kumusta sila. Kasi ilang taon na rin po akong hindi nakakapag-travel.

“Hopefully, siguro next year. Kasi unti-unti naman po bumabalik yung mga inquiries ng out-of-the-country shows, e.

“So, may awa ang Diyos, siguro maibabalik din natin ‘yan. Paunti-unti po,” lahad ng biriterang singer.

Aniya pa, “Sana abangan ninyo pa po kung ano pa yung iba pang mangyari sa future.

“Hopefully po, sana maging maayos ang lahat. At lalo kapag nawala na ang pandemic, di ba, po?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana maging maayos na ang lahat at patuloy lang tayo. Lahat naman tayo yun ang ipinagdarasal,” sabi pa ni Angeline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending