Luis, Jessy alam na ang magiging itsura ng anak; may naisip na ring pangalan para sa baby | Bandera

Luis, Jessy alam na ang magiging itsura ng anak; may naisip na ring pangalan para sa baby

Ervin Santiago - August 01, 2021 - 08:51 AM

HINDI lang ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ang atat na atat nang makita ang magiging apo kina Luis Manzano at Jessy Mendiola,  pati ang madlang pipol ay excited na sa kanilang magiging baby.

Ilang buwan na ang nakararaan matapos ikasal ang tinaguriang Pambansang Host kay Jessy at marami sa mga tagahanga nila ang nag-aabang sa balita kung kailan sila magsisimulang bumuo ng sariling pamilya.

“We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to crying babies. Wallpaper niya right now sa kanyang phone is what we believe our child would look like,” kuwento ni Luis sabay buong pagmamalaking ipinakita ang cute na cute na photo ng isang batang babae. 
                
May napagkasunduan na rin silang mag-asawa na ipapangalan sa first baby nila – Emma o Ocean kung babae at Luke kung lalaki.

“When we hear the name Emma, naiisip namin yung tisay na naka-pigtails tapos ang pula-pula ng cheeks. Ocean naman because we love the ocean. We’re divers, we want to eventually live by the sea. ‘Yung pangalang Luke, it’s a bit of a play on Lucky and also a bit of a ‘Star Wars’ thing,” kuwento ni Luis.

Pero maghihintay pa ang TV host na matapos ang pandemya bago mangyari ito. Kasama ito sa listahan ng mga unang bagay na gagawin niya kapag bumalik na sa normal ang lahat, “I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel.”

In fairness, kitang-kita sa mukha ni Luis na masayang-masaya siya sa buhay may asawa. Bagay na muntik nang hindi mangyari. Napabalita kasi noon na naghiwalay na sina Luis at Jessy at kinumpirma din nila ito sa vlog ng huli. Nangyari ang hiwalayan bago ang kanilang engagement noong 2020.

“Siguro we were getting on each other’s nerves nu’ng pandemic. Umabot sa point na we would constantly fight. Then we realize it’s the stress getting to us. Eventually, we found each other again at kung ano yung kina in love-an namin sa isa’t isa,” lahad ni Luis.

Ikinasal si Luis kay Jessy sa isang intimate ceremony noong Feb. 21 sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas. 

May pagkakaiba kaya kung ikinasal sila sa panahong hindi pandemic? “I think with how happy we are right now, I wouldn’t want to consider anything else,” sagot ni Luis.

Samantala, katatapos lamang ni Luis gawin ang “I Can See Your Voice” at ang “Your Face Sounds Familiar” at nakatutok muna siya  sa pagbuo ng mga konsepto para sa kanyang YouTube channel na LuckyTV. Mayroon din siyang inaasikasong ilang negosyo na kabilang sa essentials tulad ng transport taxi at gasolinahan.

Samantala, may bagong role si Luis sa ilalim ng nangungunang health care company sa bansa, ang Unilab. Ito ay ang pagiging health advocate para sa leading flu medicine, ang Bioflu.

“Kapag may trangkaso ako, ramdam ko ang lahat ng sintomas, lagnat, sakit ng katawan, ubo’t sipon. It is so hard for me to function when I have the flu, as in talagang bed rest, bagsak,” paglalarawan ni Luis.

Nagkuwento din siya ng isang pangyayari kung saan natulungan siyang bumangon at makapagtrabaho matapos uminom ng gamot. 

“It was the grand finals of a reality show on TV and I was the main host. The night before that, tinamaan ako ng trangkaso. That’s when I turned to Bioflu para the next day, tanggal lahat ng flu symptoms and I get to be me. I get to be at my optimum.”

“We have to admit, there are some na if they don’t go to work, they don’t get paid. Kumbaga, they are very reliant on their income for that particular day, especially at this time na marami ng nawalan ng trabaho o naging unstable ang kanilang pinagkakakitaan. 

“That’s why a lot of people fall back on a trusted brand to be able to get back on their feet and to be able to do what they need to do for themselves and their family,” sabi pa ng mister ni Jessy.

Batid ni Luis kung gaano kaimportante and pagbangon sa lahat ng bagay, hindi lamang sa sakit kundi pati na rin sa hamon ng buhay. Tulad na lang ng hindi nila pagsuko sa isa’t isa ni Jessy na ngayon ay asawa na niya. 

“If life in general was predictable, if everything were laid out for you, it wouldn’t be really worth living. Para sa akin, it adds a bit of spice to life, a bit of challenge, but in general you get to appreciate it even more because of the curveballs,” pahayag pa ng Pambansang Host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending