Kiray ulirang anak: Patatayuan ko pa ng mas magandang bahay sina Mama at Papa! | Bandera

Kiray ulirang anak: Patatayuan ko pa ng mas magandang bahay sina Mama at Papa!

Ervin Santiago |August 01,2021
facebook
share this

Kiray ulirang anak: Patatayuan ko pa ng mas magandang bahay sina Mama at Papa!

Ervin Santiago - August 01, 2021 - 08:47 AM

NAG-PROMISE ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis na patatayuan niya ng mas magandang bahay ang kanyang pamilya.

Habangbuhay daw niyang mamahalin at pasasayahin ang mga magulang, kapatid at mga pamangkin sa abot ng kanyang makakaya.

Ayon sa komedyana, kahit na raw magkaroon siya ng sariling pamilya in the future, hinding-hindi niya pababayaan ang kanyang parents at gagawin niya ang lahat para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga ito.

Sa guesting ni Kiray sa “Mars Pa More” may binasa siyang letter para sa kanyang future self.

“Para sa akin mas babawi ako ng oras sa parents ko, sa family ko. Family pa rin ‘yung iniisip ko, kahit sa future, family pa rin. 

“Patatayuan ko pa ng mas magandang mga bahay sina mama at si papa. Ibibigay ko pa lahat ng kaya ko sa mga pamangkin ko,” sey pa ng Kapuso comedienne.

“At huwag kakalimutan siyempre ang sarili mo. Mag-ipon ka rin at sa panahon na ito nakaipon ka na para sa sarili mo. Good luck and enjoy life dahil life is short, kagaya mo,” mensahe pa ni Kiray para sa kanyang sarili.

Sa isang panayam, sinabi ni Kiray na plano niyang magpagawa ng mas malaking bahay para sa sarili pero gusto pa rin niyang makasama rito ang kaniyang pamilya.

May nabili nang bahay si Kiray sa Maynila noong 2017 kung saan sama-sama mga sila ngayon ng kanyang pamilya. 

“Feeling ko talaga, kaya ako nabuhay sa mundong ito, para sa pamilya,” pahabol na sabi pa ni Kiray.

* * *

May dalang good vibes ang isa pang Kapuso comedienne na si Pokwang sa fresh episode ng well-loved comedy anthology na “Dear Uge” ngayong Linggo.

Isang single mom si Chit (Pokwang) na may maliit na courier business, ang Cheetah Padala. Sa kabila ng kanyang mga sakripisyo para palakihin nang mag-isa ang kanyang anak na si Baby (Elle Villanueva), mas nais nitong manirahan sa puder ng kanyang ama.

Isang araw ay may delivery si Chit na naglalaman pala ng tao – si Dyosa (Mahal). Pina-deliver si Dyosa ng kanyang pamilya dahil pabigat daw ito at walang trabaho. 

Dahil ayaw magpa-deliver ni Dyosa, napilitan si Chit na iuwi pansamantala si Dyosa na agad naman hindi nagustuhan ni Baby.

Habang nakatago sa kanyang box, nahuli ni Dyosa si Baby na dinudukutan ng pera si Chit. Nang mapansin ni Chit na wala na ang kanyang pera, nagsinungaling si Baby at sinisi si Dyosa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sino nga ba sa kanilang dalawa ang paniniwalaan ni Chit? Makisaya na sa all-new episode ng Dear Uge na pinamagatang “My Special Delivery” ngayong Linggo, 3:35 p m., sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending