Kiray Celis sinorpresa ng dyowa bago mag-birthday: Mahal na mahal kita, sobra pa sa sobra! Bandera

Kiray Celis sinorpresa ng dyowa bago mag-birthday: Mahal na mahal kita, sobra pa sa sobra!

Ervin Santiago |July 29,2021
share this

Kiray Celis sinorpresa ng dyowa bago mag-birthday: Mahal na mahal kita, sobra pa sa sobra!

Ervin Santiago | July 29, 2021 - 08:28 AM

HASHTAG #HabaNgHair! Ikaw na! Ikaw na talaga!

Kilig na kilig ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis sa paandar na sorpresa ng kanyang boyfriend para sa kanyang birthday.

Ngayong araw, July 29, ang mismong kaarawan ng komedyana pero sinorpresa na agad siya ng non-showbiz dyowang si Stephan Estopia kahapon.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Kiray ang mga iniregalo sa kanya ni Stephan kabilang na ang mga bulaklak, lobo, at Balenciaga na sapatos.

Aniya sa caption ng mga sweet photos nila together, “Araw-araw Valentine’s day kapag nasa tamang tao ka.

“Grabe naman ‘yung surprise mo sa akin. Nakalimutan kong birthday ko nga pala! HAHAHAHAHA!

“Thank you so much, Stephan! I love you!!!” ang mensahe pa ng dalaga sa kanyang BF.

Bukod dito, panalo rin ang isa pang birthday surprise ng binata kay Kiray. Ilang cake ang ipinagawa nito kung saan sa bawat piraso ay may nakasulat na letra at mababasa ang mga katagang, “Mahal na mahal kita sobra pa sa sobra.”

Sabi ni Kiray sa caption ng kanyang IG post, “Palagi mong tatandaan, walang tamang tao. Nasa tao na ‘yun kung gugustuhin niya maging tama para sa ‘yo.

“At hindi rin naman nagpakabog ‘yung jowa kong si Stephan sa mga cake ko kahapon.

“Grabe ka naman po magmahal, ‘Mahal na mahal kita sobra pa sa sobra.’

“Eto ‘yung mga salita na sinasabi niya sa ‘kin tuwing naggo-good morning, naglalambing, at naggo-goodnight. Iba ka talaga!” chika pa ng Kapuso star.

Aniya pa, bago pa man sumapit ang kanyang birthday, halos 100 cake na ang kanyang natanggap mula sa kanyang mga kaibigan at fans.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending