Ai Ai galit na galit na rumesbak sa basher: Ang laki-laki ng mukha mo, parang kinagat ng ipis! | Bandera

Ai Ai galit na galit na rumesbak sa basher: Ang laki-laki ng mukha mo, parang kinagat ng ipis!

Ervin Santiago |July 27,2021
facebook
share this

Ai Ai galit na galit na rumesbak sa basher: Ang laki-laki ng mukha mo, parang kinagat ng ipis!

Ervin Santiago - July 27, 2021 - 08:35 AM

GALIT na galit na rumesbak ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa isang netizen na nang-okray sa relasyon nila ng asawang si Gerald Sibayan.

Talagang tinalakan ng Kapuso comedienne ang basher at tinira pati ang itsura nito bilang ganti sa pagpuna sa age gap nila ng kanyang mister.

Nag-post kasi si Ai Ai ng family picture nila sa kanyang Instagram account kung saan bukod nga kay Gerald ay nakasama rin niya ang mga anak na sina Sancho (with his fiancée na si Shanna Retuya) at Sophia (with her fiancé naman na si Vincent Bautista).

Ayon kay Ai Ai super happy siya na maka-bonding uli ang mga anak dahil bihira nga lang makumpleto ang kanilang family. 

Magaganda ang comments ng ilang followers ng komedyana sa kanyang post pero may isa ngang IG user ang nambasag kay Ai Ai na nagtanong ng, “Anong tawag ng mga anak mo sa asawa mo? Eh mukang matanda pa po anak mo sa asawa mo? Ask lang.”

Hindi ito pinalampas ng Kapuso mom at talagang sinagot ang netizen, “Tawag ko sa asawa ko darl tawag ko sayo TAE HAHAHAHA! G*G* U*L*!!!”

Bwelta pa ni Ai Ai, ang lakas daw nitong mang-okray pero hindi naman daw kagandahan ang face, “Laki laki ng mukha mo parang kinagat ng ipis.”

“Nananahimik pamilya namin sa masayang dinner dami mong sinabi animal!!!!” hirit pa ng veteran actress.

Hindi rin nakapagtimpi ang anak ni Ai Ai na si Sancho at binasag din ang hater, “Ako tawag ko kay @gerald_sibayan kumpadre… tawag namin sa mga katulad mo k*pal.”

Tinawag ni Sophia na “epal” ang netizen habang “pangit” naman ang ibinansag ni Shanna sa nam-bash kay Ai Ai.

Pero sa kabila nito, sumagot pa rin ang lalaking netizen sa pamilya ng komedyana, “Me masama ba kong sinabi ha? Nag tatanong lang nagalit na kayo kagad? Sus.”

Reply naman ni Ai Ai, “Masama ba mag sabi ng totoo na una ang laki ng muka mo pangalawa nanahimik pamilya namin tanong mo pang mal edukado.”

Minura-mura rin niya si Sancho matapos siyang tawaging “k*pal.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Ai Ai at Gerald noong Dec. 12, 2017 sa Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City. Twenty-nine years ang kanilang age gap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending