Pacquiao binisita nina Jordan Clarkson at Apl.de.ap habang nagte-training sa Wild Card gym Bandera

Pacquiao binisita nina Jordan Clarkson at Apl.de.ap habang nagte-training sa Wild Card gym

Ervin Santiago |July 26,2021
share this

Pacquiao binisita nina Jordan Clarkson at Apl.de.ap habang nagte-training sa Wild Card gym

Ervin Santiago | July 26, 2021 - 05:44 PM

NAKIPAG-BONDING sa Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao ang dalawang sikat na sikat na Filipino-American celebrity habang nagte-training siya sa Amerika para sa laban nila ni Errol Spence, Jr..

Binisita nina NBA star na si Jordan Clarkson at international singer na si Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas ang boxing champion sa Wild Card gym kamakailan.

Nag-post ang boksingerong senador sa Instagram ng ilang litrato niya kasama si Jordan ng Utah Jazz at Apl.de.Ap with Black Eyed Peas member J Rey na may caption na, “Filipino pride!”

Ibinahagi rin ni Jordan (ang reigning NBA Sixth Man of the Year) sa kanyang IG page ang ilang photo nila ni Pacquiao na kuha bago nga ito sumabak sa laban nila ni Errol.

Isa sa mga litratong ipinost niya ay ang pagte-training ni Pacman kabilang na ang maikling video habang ipinakikita ang bilis nito sa pagsuntok.

“ONE OF ONE, Legendary!!! #filipino #puso,” ang inilagay niyang caption sa photo.

Siyempre, hindi rin nagpahuli si Apl.de.ap na nag-share rin ng litrato nila ni Manny sa loob ng Wild Card Boxing gym. Aniya sa caption, “Protection for the throne.”

Parehong may dugong Pinoy sina Clarkson at apl.de.ap o Allan Pineda Lindo sa tunay na buhay at pareho rin silang nagmula sa Pampanga.

Ang boxing match nina Pacquiao at Errol ay magaganap sa Aug. 21 sa T-Mobile Arena, Las Vegas, Nevada. Paglalabanan nila ang IBF at WBC welterweight title ni Errol.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending