Lucy Torres nagdesisyon nang tumakbong senador sa 2022
KASAMA sa initial senatorial line-up ng National People’s Coalition na inilabas ni Senate President Tito Sotto si Lucy Torres-Gomez.
Napabalitang tatakbo si Sen. Panfilo Lacson sa pagkapresidente kasama si Sen. Tito Sotto na tatakbo rin bilang bise presidente.
Ilan pa sa mga kandidato ay sina Chiz Escudero, JV Ejercito, at Loren Legarda na pawang may mga koneksyon sa entertainment industry ang kasama ni Lucy sa line up.
Ngayong taon na ang huling termino ni Lucy bilang House Representative ng Fourth District ng Leyte.
Matatandaan na nabalita rin noon na kinukonsidera ni Pangulong Duterte at ng partido nito na kunin siya bilang senatorial candidate sa 2022 elections.
“Kasi hindi siya talaga yung, like, I was saying earlier, hindi siya talaga grand plan.
“Kasi kung pangarap lang, back in 2016 pa lang, I was already asked to run, e.
“So in 2019, I was also asked again to run for the Senate. But it was never an ambition or a dream.
“Ang sa akin lang, if maybe I’m given the opportunity, it’s one of those things that only time can tell,” panayam noon ni Lucy nang siya’y tanungin kung tatakbo ba ito o hindi.
Ngunit ayon kay Sen. Sotto, tuloy na tuloy na ang pagtakbo nito.
“I just got the go signal, Cong. Lucy will be in our line up,” pagbabahagi nito.
Usap-usapan rin na may balak tumakbo kapalit niya ang asawa nitong si Richard Gomez na kasalukuyang mayor ng Ormoc.
Wala pa rin naman itong kumpirmasyon dahil sa ngayon ay abala pa ito sa pagpapagaling.
Kamakailan lang nang mapabalita na nag-positibo sa COVID-19 ang actor-politician.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.