Bitoy payag nang magtrabaho sa labas: Basta priority namin ang safety ng lahat ng tao
IN FAIRNESS, promising ang pilot episode ng Kapuso comedy show na “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” kagabi na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Sef Cadayona with Michael V. and Manilyn Reynes.
Tulad ng inaasahan namin, perfect sina Sef at Mikee bilang young Pepito at Elsa na ginagampanan nga nina Bitoy at Mane sa present time na nagsisilbi ring narrator ngayon sa pagbabalik-tanaw nila sa kanilang kabataan.
Siyempre, bukod sa nakakatawa at nakakalokang mga eksena hindi pa rin nawawala ang mga pampa-good vibes at inspiring life lesson na ibinabahagi ng programa lalo na pagdating sa usaping pamilya.
Sa ginanap na virtual presscon ng show ipinaliwanag nga ni Bitoy kung bakit tinapos pansamantala ang “Pepito Manaloto Kuwento Kuwento” at gumawa muna ng prequel.
Ayon sa Kapuso TV host-comedian, totoong inspired ng classic TV series na “John En Marsha” (sitcom nina Dolphy at Nida Blanca na umere sa telebisyon mula 1973 hanggang 1990) ang kanilang programa.
“I think it’s the best direction kasi ito yung part ng story ng Pepito Manaloto na hindi pa nae-explore, and it gives the creative team so much freedom to do whatever they want. Kahit may limitations, marami pa rin silang pwedeng i-discuss.
“And also to flex new set of talents na alam nating matagal na nating kasama dito sa GMA pero hindi pa nabibigyan ng ganitong task.
“So, I think itong mga handpicked namin to play certain characters will definitely be a part of the family, hindi lang ng Manaloto family kundi ng lahat ng pamilya na manonood at sumusubaybay sa Pepito Manaloto,” pahayag ni Bitoy.
Isa rin si Michael V sa mga nagdesisyon kung sinu-sino ang kukuning cast members sa programa bilang creative director.
“Meron na kaming set ng cast in mind. May list na kami ng mga artistang posibleng gumanap ng mga karakter na ginagampanan namin ngayon.
“Nagkaroon ng audition process and kung sino yung talagang ma-nail yung karakter, sila yung kinuha namin,” pahayag pa ng veteran comedian.
Bukod kina Sef at Mikee, kasama rin sa “Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento” sina Gladys Reyes, Archie Alemania, Edgar Allan Guzman, Kokoy de Santos, Kristoffer Martin, Denise Barbacena at Jay Arcilla.
Samantala, natanong din sa prescon si Bitoy kung handa na ba siyang mag-taping sa labas bukod sa work from home. Palagi kasi niyang sinasabi nitong mga nagdaang buwan na hindi pa talaga siya ready na lumabas ng bahay para magtrabaho.
Ani Bitoy, “As soon as ma-fully vaccinate siguro ako, I will consider that. As far as shooting on location is concerned, nakapag-shoot naman kami ni Manilyn sa location and everything worked out naman, kasi naplano naman nang maayos.
“Ang priority namin, ang safety ng lahat ng tao. So, I think that would be okay,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.