Tony Labrusca: Pwede rin naman akong mag-romcom na hindi ko kailangang magpakita ng katawan | Bandera

Tony Labrusca: Pwede rin naman akong mag-romcom na hindi ko kailangang magpakita ng katawan

Therese Arceo |July 13,2021
facebook
share this

Tony Labrusca: Pwede rin naman akong mag-romcom na hindi ko kailangang magpakita ng katawan

Therese Arceo - July 13, 2021 - 03:16 PM

GAME na game na sinagot ng hunk actor na si Tony Labrusca ang mga maintrigang tanong sa isang sit-down interview kasama ang vlogger na si Limuel Huet.

Grateful ang aktor dahil sa kabila ng pandemya, patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng mga projects. Isa na nga rito ang kanyang bagong movie na pinamagatang “You’re Mine”.

“Honestly, this project, hindi naman siya heavy drama so I don’t think na I have to prepare but mas naeexcite ako kasi surprisingly, this was experimental for me because laging binibigay sakin ‘yung drama, ‘yung sexy roles.

“For once I’m given a chance to play a role that’s not capitalizing on my body, on my mouth, on sex.

“It’s more rare for me to get these kinds of  projects. I really didn’t want to overthink it. I just want to enjoy it. 

“Alam mo ‘yon, kasi lahat ng mga projects ko, I have to overthink about it ’cause that’s what the character calls for. 

“For this, I didn’t want to do that on my character. I just want to enjoy it and have fun on the process,” sey ng binata nang tanungin kung ano ang mga preparasyon na kanyang ginawa para sa nasabing proyekto.

Matatandaan na isa ang pelikulang “Glorious” na pinagbidahan ng binata kasama si Angel Aquino noong 2018 na talagang nag-trending, pinag-usapan at nagpainit sa mga manonood.

Sa nasabing panayam, ibinahagi rin ni Tony kung gaano siya ka-excited at kasaya dahil maibabahagi rin niya sa publiko ang ibang side niya bilang aktor sa bagong movie na ito.

“People has a certain image of me because of the projects that I did but that’s not really who I am.

“Masaya lang ako now na eto, makikita ng tao na pwede rin naman akong mag-romcom, na light lang, na hindi ko kailangang magpakita ng katawan,” paliwanag ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malapit nang mapanood ang “You’re Mine”, isang romantic comedy movie sa direksyon ni Easy Ferrer under Regal Films kung saan kasama rin niya si Jane Oineza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending