Aljur muling nakita at nakalaro ang 2 anak: Bumili ako ng food for them, sana magustuhan nila... Bandera

Aljur muling nakita at nakalaro ang 2 anak: Bumili ako ng food for them, sana magustuhan nila…

Ervin Santiago |July 10,2021
share this

Aljur muling nakita at nakalaro ang 2 anak: Bumili ako ng food for them, sana magustuhan nila…

Ervin Santiago July 10, 2021 - 05:18 PM

MUKHANG maayos naman ang “co-parenting setup” ng nagkahiwalay na celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla para sa mga anak nilang sina Alas at Axl.

Mismong si Kylie na ang nagsabi na nakapag-usap na sila ng kanyang mister tungkol sa pag-aalaga sa kanilang mga anak kasabay ng pag-amin na talagang may pinagdaraanan ang relasyon nila ni Aljur.

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal. We forget the kids and people that are involved.

“In the past few months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.

“All we need right now is respect—first and foremost, on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl…

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake,” aniya.

Sa pagkakaalam namin, sa bahay nila sa Batangas naninirahan ngayon si Aljur kasama ang kanyang mga magulang at nitong nagdaang araw ay nag-post nga ang aktor sa Facebook ng isang video kung saan mapapanood ang muling pagkikita nila ng mga anak.

May bitbit pa siyang pasalubong para sa dalawang bagets mula sa isang fastfood restaurant, “Nandito ako sa Batangas, kakauwi ko lang. Nagsalisi kami ng mga anak ko. Nandito na daw sila. Ang tagal ko rin sila na hindi nakita.

“Excited na akong makita sila. Bumili ako ng food for them, sana magustuhan nila,” ang sabi ni Aljur na nang bumaba nga ng sasakyan ay masayang sinalubong ni Alas sabay yakap sa kanya.

Ayon sa mga netizens na nagkomento sa video ni Aljur ramdam na ramdam nila ang kaligayahan ng mag-aama sa kabila ng problemang kinakaharap ng kanilang pamilya.

May ilan naman ang nagsabi na sana’y magkabalikan na sina Aljur at Kylie dahil feeling nila mahal pa rin nila ang isa’t isa at para na rin sa kanilang mga anak.

Nauna nang kinumpirma ni Robin Padilla sa isang vlog ni Ogie Diaz na hiwalay na ang anak niyang si Kylie kay Aljur nang dahil sa “third party.” 

Samantala, sa virtual presscon naman para sa bagong pelikula ni Aljur sa Viva Films, ang “Nerisa” nabanggit ni Aljur na handa niyang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya tulad ng lead character sa kuwento na ginagampanan ni Cindy Miranda.

Dito, mariin ding dinenay ni Cindy na siya ang third party sa break-up nina Aljur at Kylie kaya sana raw ay huwag na silang intrigahin dahil nagtrabaho lang daw sila ng aktor at walang personalan.

Ang “Nerisa” ay isa sa pinaka-sexy at daring na pelikula ng taon kung saan napalaban nga sina Aljur at Cindy sa matitinding laplapan at love scenes.

Magsisimula ang kuwento nang iligtas ng mangingisda na si Obet (Aljur) si Nerisa (Cindy) na palutang-lutang sa dagat, kasanay ng sunod-sunod na kamalasan at  hindi maipaliwanag na pangyayari sa kanilang isla.

Ang lahat ng ito ay isinisi ng mga taga-isla kay Nerisa, at may mga haka-haka pa sila na isa siyang sirena dahil sa kanyang kakaibang ganda at sa misteryong bumabalot sa kanya.

Walang pakialam si Nerisa kahit kinaiinggitan siya ng mga kababaihan at pinagnanasaan ng mga lalake sa isla. Dahil ang importante lang para sa kanya ay ang taong nagligtas sa kanya at kanyang napangasawa, si Obet. 

At nang mawala sa dagat si Obet dahil sa isang aksidente, nangako si Nerisa na gagawin at ibibigay niya ang lahat, kahit na ang kanyang katawan, mahanap lang ang kanyang asawa.

Kasama rin sa movie sina Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Sheree Bautista, AJ Raval, at Sean de Guzman.

Samantala, nag-enjoy naman si Direk Lawrence Fajardo sa creative freedom na ibinigay sa kanya ng VIVA Films sa paggawa ng “Nerisa”. Excited si Direk Lawrence sa pelikulang ito, dahil excited din ang mga aktor sa mga ipinakita niya sa kanila. 

Ang screenplay ng pelikula ay sinulat ng multi-awarded at critically acclaimed scriptwriter na si Ricky Lee. Ito ang unang beses na makakatrabaho ni Direk Lawrence si Ricky Lee, kaya naman iba ang excitement niya para sa pelikulang ito.

Alamin ang katotohanan sa likod ng misteryong nababalot sa pagkatao ni Nerisa sa July 30, sa global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax.

Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na din ng app at mag-subscribe via Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending