Ate Vi, Ai Ai 'pinatay' sa socmed, Comedy Queen rumesbak: Mga sira-ulo, mangmang, inutil! Bandera

Ate Vi, Ai Ai ‘pinatay’ sa socmed, Comedy Queen rumesbak: Mga sira-ulo, mangmang, inutil!

Ervin Santiago |July 10,2021
share this

Ate Vi, Ai Ai ‘pinatay’ sa socmed, Comedy Queen rumesbak: Mga sira-ulo, mangmang, inutil!

Ervin Santiago July 10, 2021 - 02:06 PM

TINUHOG ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kumalat na balitang namatay na raw ang mga ito.

Parehong nabiktima ng death hoax ang dalawang veteran actress na lumabas nga sa social media ngayong araw at pinagpiyestahan ng mga netizens.

Ito ang pekeng balita tungkol kay Ate Vi, “Unbelievable & Sad news!!! Congresswoman & actress Vilma Santos was killed when she was shot in her car.

“She was DOA when they brought her to the hospital. Don’t know details yet.

“What is our world coming to. I was hoping pa naman that she can run for VP. May she rest in peace.”

Mariin naman itong pinabulaanan ng actress-politician at sinabing buhay na buhay pa siya at isang fake news nga raw ang kumalat na balita sa social media at sa mga text message.

Samantala, galit na galit naman ang Kapuso comedienne na si Ai Ai delas Alas nang mabasa sa socmed ang balitang patay na siya.

Ni-repost ng komedyana ang screenshot ng video ng nasabing fake news na kumalat kagabi na may titulong, “PUMANAW NA ANG AKTRESS NA SI AI AI DELAS ALAS.”

Talagang napamura pa si Ai Ai sa nasabing fake news dahil marami raw talagang kamag-anak at kaibigan niya ang naalarma at nag-alala sa kanya. Nasa Amerika sila ngayon ng asawang si Gerald Sibayan at nagbabakasyon.

“Sa totoo lang mga gag* gumagawa nito … na stress ate ko dito atsaka iba kong friends sa abroad.

“Ano ba napapala nyo sa pag gawa ng ganito ??? pampadami ng views (sa ganitong paraan?) kung ano ano na lang namatay daw ako sa sakit na diabetes.

“MGA G*GO 5 years na ko walang sugar sa katawan except fruits and coco sugar mga sira ulo mangmang inutil!!!!!” talak ng komedyana sa mga taong nasa likod ng death hoax.

Hirit pa ni Ai Ai, “Buti nalang maganda ginamit nilang picture kung hindi mas mababa pa sila sa inutil at mangmang !!! Hinulma sa tae ang kaisipan!”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending