Cindy Miranda nahirapan sa love scenes nila ni Aljur: 'First time ko po sa lalaki' | Bandera

Cindy Miranda nahirapan sa love scenes nila ni Aljur: ‘First time ko po sa lalaki’

Reggee Bonoan |July 09,2021
facebook
share this

Cindy Miranda nahirapan sa love scenes nila ni Aljur: ‘First time ko po sa lalaki’

Reggee Bonoan - July 09, 2021 - 05:51 PM

Una naming napanood si Cindy Miranda sa lesbian sexy movie na “Adan” kasama si Rhen Escano. Talagang humanga kami dahil bukod sa marunong silang umarte ay pawang mga sexy pa.

Gusto namin ang eksena nilang naglalampungan sa ibabaw ng bato sa batis at napa-wow nga ang lahat ng dumalo sa ginanap na premiere night. Idinirek ang pelikula ni Yam Laranas.

At ngayon ay nagbabalik si Cindy sa “Nerisa,” isang sexy movie rin at may love scenes sila ni Aljur Abrenica, na kilala ring hindi umuurong sa mga ganitong maiinit na eksena.

Sa ginanap na virtual mediacon ng Nerisa nitong Huwebes ng gabi ay natanong si Cindy kung ano ang mas nahirapan siyang gawin, ang love scene sa kapwa babae o sa lalaki.

Natawa muna ang sexy star. “Paano ko ba sasabihin ito? Pareho pong mahirap,” wika niya.

At ibinuking ni Cindy, “Lahat naman po kasi daya naman po lahat. Wala naman po talagang totoo,”

Hala, na-brief ba ang cast ng “Nerisa” bago sila isinalang sa mediacon? Bakit sinabing ‘daya’ lahat?

Dagdag pa, “It’s really how you fake it na magmumukha pa ring totoo ’yong ginagawa n’yo, which I think, nagawa po namin ni Aljur. Kasi s’yempre, acting lang naman po.”

 

Pero inamin ng aktres na natakot siya sa mga eksena nila ni Aljur na maselan.

“S’yempre, as babae po, mas takot ako sa lalaki. Kasi alam ko po sa babae, harmless, e, kahit anong gawin.

“Alam ko pa yan at tsaka very close kami ni Rhen. Para lang kaming mga bata doon sa ‘Adan’ kasi ‘yong istorya ganu’n din, e. Naglalaro lang kami palagi.

“But here po kasi, different po ito. Mag-asawa po (kami) ni Aljur. So, kailangan naming ipakita ’yong love ng mag-asawa. Kailangan, ’yon nga po, pure, na mahal mo, s’ya lang ’yong mundo mo. ’Yon po ’yong kailangang ipakita,” paliwanag ni Cindy.

Pero sa kalaunan ay naging perfect ang pagkakagawa ng love scenes nila ni Aljur.

“Mahirap man po, I think, naging successful po kami sa love scenes namin. First time ko po sa lalaki. Nahirapan po talaga ako sa love scenes namin pero, I think naging successful naman kami.

“S’yempre as babae, I think may ganu’n po talaga na (agam-agam). Pero s’yempre po, binigay ko pa din po para sa movie na ito. Nakakatakot man kasi first time. Lahat naman po ng first time nakakatakot. Hindi mo alam kung paano,” sabi pa ng dalaga.

Naging gentleman naman daw si Aljur sa mga eksena nila kaya nagpapasalamat ang aktres.

“Pero dahil nga po napaka-professional ni Aljur, ginuide po n’ya ako. I really felt safe. Napaka-gentleman po ’tsaka mabait po na tao si Aljur,” sambit ni Nerisa.

Bukod kina Aljur at Cindy ay kasama rin sina Elizabeth Oropesa, AJ Raval, Sean de Guzman at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Nerisa” ay mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo at sinulat ni Ricky Lee na produced ng Viva Films. Mapapanood na ito sa Hulyo 30 sa Vivamax, KTX.ph, iWantTFC at TFC IPTV.

BASAHIN: Cindy Miranda nagsalita na sa balitang siya ang dahilan sa hiwalayang Aljur at Kylie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending