Vice Ganda: Pag tinawag mo akong ma’am o sir hindi ako mao-offend, non-binary ang gender ko
WALANG isyu kay Vice Ganda kung anuman ang itawag sa kanya ng madlang pipol — mister man daw o miss ay keri lang daw na ikabit sa pangalan niya.
Paliwanag ng TV host-comedian, “non-binary” ang tawag niya sa kanyang gender identity kaya hindi big deal kung i-address siya ng mga tao bilang ma’am, madam o sir.
Viral na ngayon ang isang episode ng “It’s Showtime” kung saan ipinaliwanag nga ni Vice ang tungkol sa isyu ng gender identity.
“Ako, kahit ano. Kapag tinawag mo akong ‘ma’am,’ hindi ako mao-offend. Kapag tinawag mo akong ‘sir,’ hindi rin ako mao-offend. Hindi ko niri-recognize ang sarili ko… either. Non-binary ang gender ko,” pahayag ni Vice Ganda.
Patuloy pa niya, “Kahit sa mga articles, kapag ini-interview ako, ‘Ano pong pronoun ang gusto niyong gamitin sa inyo, she po ba or he?’
“Ako, personally, sasabihin ko, I don’t really mind. Kung ano pong gusto niyo. Hindi ako mao-offend kung gamitan niyo ako ng ‘he’ or ‘she,’” aniya pa.
Ngunit, paliwanag ng komedyante may iba-iba pa ring paniniwala ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community hinggil sa gender expressions. Marami rin daw ang hindi non-binary.
“Pero, ako iyon. May mga tao na definite sila kung ano’ng pronoun ang gustong gamitin sa kanila. Kaya it’s better that you ask, kasi not everyone is identifying themselves as part of the binary gender,” paglilinaw ni Vice.
“Simulan na natin matuto na ‘yung mga transgender women ay hindi tinatawag na ‘sir’ at saka ‘he.’ Hindi sila mga lalaki. Mga babae sila.
“Kung hindi kayo sure, pakitanong po kung saan sila komportable na ina-address. ‘Paano niyo po gustong tawagin kayo?’ Ganoon ‘yung mas may respeto. If you don’t know how to do it, ask,” pahayag pa ng partner ni Ion Perez.
Diin pa niya, “Hindi masamang magdagdag tayo ng kaalaman sa alam na natin.”
Kung matatandaan, sa isang panayam ay nagsalita rin ang Phenomenal Box-Office Star about his sexual orientation, and gender identity and expression (SOGIE).
Aniya, isa siyang gay man at hindi raw transgender woman, “I’m a bakla! Hindi ko naman dama na babae ako, e,” sabi ni Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.