Angel 'nalurks' sa kinalabasan ng bagong hairstyle; Marian, iba pang celebs super react | Bandera

Angel ‘nalurks’ sa kinalabasan ng bagong hairstyle; Marian, iba pang celebs super react

Ervin Santiago |July 02,2021
facebook
share this

Angel ‘nalurks’ sa kinalabasan ng bagong hairstyle; Marian, iba pang celebs super react

Ervin Santiago - July 02, 2021 - 02:58 PM

PINUSUAN at nakakuha ng sandamakmak na reaksyon mula sa netizens ang paandar na hairstyle ngayon ng actress-philanthropist na si Angel Locsin.

Hind lang mga fans at followers niya sa social media ang napa-comment sa bagong hairdo ni Angel kundi pati na rin ang mga kaibigan niya sa showbiz, kabilang na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ng litrato at video ang fiancée ng film producer na si Neil Arce na inakala ng marami na isang “throwback Thursday” post.

Makikita sa IG post ni Angel ang kanyang long straight coloured hair na may caption na, “That 2000’s flat iron hair days. Should we bring this look back?” 

Binanggit din niya na ang pangalan ng hairstylist na si Celeste Tuviera na siyang nasa likod ng kanyang hair transformation.

“May mahika! I’m so happy,” sabi pa ni Angel sa isang maikling video na naka-post sa Instagram Stories matapos ang ginawang treatment at style sa kanyang buhok.

Aniya pa, medyo “nalurks” lang siya ng slight sa pagkakaiba ng dati niyang hairstyle sa ginawa sa kanya ng kaibigan niyang stylist na makikita nga sa ipinost niyang before and after photo.

Sa comments section ng IG post ni Angel, marami ang nagsabi na bagay na bagay sa kanya ang bago niyang hairdo at sumang-ayon din sa tanong niya kung dapat nang ibalik ang ganu’ng style na sumikat noong taong 2000.

Isa nga sa mga celebrity friends niya na nagkomento ay si Marian Rivera na um-agree sa pagpapauso uli ng ganu’ng klase ng gupit, kulay at istilo.

Reply naman ni Angel sa asawa ni Dingdong Dantes, “Ganito mga buhok natin nuon! (laughing and crying emoji). Yan or yung kulot mayaman!” 

Samantala, bukod sa pagre-react sa kanyang latest hair paandar, marami rin ang nagkomento na waiting at abangers na sila sa magiging resulta ng weigh loss journey ni Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang ay ibinandera ng Kapamilya actress ang tungkol sa kanyang bagong diet at marami nga ang nakapansin sa bagong post ng dalaga na unti-unti nang nababawasan ang kanyang timbang. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending