Pagsali ni Sanya sa beauty pageant suportado nina Maxine at Thia; nag-promise pa kay First Yaya | Bandera

Pagsali ni Sanya sa beauty pageant suportado nina Maxine at Thia; nag-promise pa kay First Yaya

Ervin Santiago |July 02,2021
facebook
share this

Pagsali ni Sanya sa beauty pageant suportado nina Maxine at Thia; nag-promise pa kay First Yaya

Ervin Santiago - July 02, 2021 - 09:21 AM

PASADUNG-PASADO ang ganda, kaseksihan at personalidad ng Kapuso actress na si Sanya Lopez para maging beauty pageant title holder.

Mismong ang dalawang Kapuso  beauty queen na sina Maxine Medina at Thia Thomalla na co-stars ni Sanya sa “First Yaya” na magtatapos na ngayong gabi, ay nagsabing pwedeng-pwedeng magkaroon ng korona at titulo.

Sa ginanap na virtual mediacon para sa finale week ng “First Yaya”, natanong sina Maxine (Binibining Pilipinas-Universe 2016) at Thia (Miss Eco International 2018), kung may karapatan ding maging beauty queen si Sanya.

“Naku, tinatanong pa ba iyan? Tanungin natin si Sanya,” ang tumatawang tugon ni Maxine. Dugtong pa niya, “Pero alam n’yo, puwedeng-puwede siyang sumali, if she wants to.”

Promise pa ni Maxine kay Sanya,  kung sakaling magdesisyon nga itong mag-join sa anumang national beauty pageant, 100% ang ibibigay niyang suporta sa dalaga.

“Nandito kami for you, Sans. If you want to join, nandito kami ni Thia to back you up,” ani Maxine na sinang-ayunan naman ni Thia.

Samantala, natanong din sina Maxine at Thia kung ano ang mas fulfilling, ang pagiging beauty queen o ang pagiging aktres?

“Naku, hindi ko masagot. Hindi ko alam. Pero sobrang saya ko ngayon. 

“Like, I’m so happy, I’m full, my heart is full with my work now. Especially I’m surrounded by the people that I like the most. Sobrang happy ko po talaga,” pahayag ni Maxine.

Sey naman ni Thia, “For me pareho. Hindi ito pa-flowery words ha, pero ako kasi, I join beauty pageants to help.

“But kahit artista ka, or kahit hindi ka artista, you’re still able to help and during the pandemic, I was able to do a fundraiser with the help of my ‘dears,'” aniya pa na ang tinutukoy ay ang mga babaeng co-stars niya sa “First Yaya” na sina Sanya, Maxine, Kakai Bautista, Cai Cortez at Cassy Legaspi.

Hindi rin daw nagdamot sa pagtulong sa kanyang mga fundraising projects ang iba pang kasamahan nila sa serye, kabilang na nga ang leading man ni Sanya na si Gabby Concepcion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa ngayon masaya ako sa mga ginagawa ko dito sa showbiz at sa GMA, and I’m hoping to explore way more with acting. So ayon, both maganda iyong dalawa kasi may platform ka,” pahayag pa ni Thia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending