Rabiya nakauwi na sa Pinas pero sasailalim muna sa 10 araw na quarantine | Bandera

Rabiya nakauwi na sa Pinas pero sasailalim muna sa 10 araw na quarantine

Reggee Bonoan |July 01,2021
facebook
share this

Rabiya nakauwi na sa Pinas pero sasailalim muna sa 10 araw na quarantine

Reggee Bonoan - July 01, 2021 - 06:03 PM

FOLLOW-UP ito sa naisulat namin dito sa BANDERA na pauwi na sa Pilipinas si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo kagabi.

Nag-update ang Filipina beauty queen kaninang umaga sa pamamagitan ng social media at sinabing kasalukuyan siyang nasa hotel para sumailim sa 10 araw na quarantine.

Kuwento ni Rabiya habang ipinakikita sa kanyang followers ang malaki niyang kuwarto.
“Hey guys after 14 hours of flight, we arrived here in my hotel which I’ll be quarantined for 10 days.

“So as you can see (kuwarto niya) it’s really big I’m not even sure what I’m gonna do here alone (diin niya) for 10 days for that long.

“And this is my bed that one is also huge and let me take you guys to the CR (comfort room). I think I gonna have a hot shower maya-maya,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Sinabi rin ni Rabiya na ia-update niya ang supporters niya sa lahat ng mga gaagawin niya habang naka-quarantine siya sa hotel.

Sinilip naman namin ang IG account ng ex-boyfriend ni Rabiya na si Neil Salvacion na kaka-post din ng mga larawan ng paintings na nasa Secret Fresh Art Gallery na matatagpuan sa Ortigas Center.

Mukhang pangarap din yata ni Neil ang magpinta dahil ang caption niya sa kanyang IG photo ay, “Someday.”

May nagbiro namang follower ni Neil na si @angicle, “Pakisundo si Rabiya sa airport char guwapo mo kuya, ano ba.”

Say naman ni @almarepetillo, “Someday….sa US na kayo dalawa Ni rab.”

May nabasa naman kami na tila inaabangan ni Neil ang pagdating ni Rabiya sa hotel. 

Hmmm, along Ortigas lang din kaya ang hotel kung saan naka-quarantine ang beauty queen? 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, sa pagbabalik ni Rabiya sa bansa maaaring harapin na niya ang planong pagpasok sa showbiz tulad ng nabanggit niya noon sa kanyang mga panayam. Handa na rin daw siyang sumabak sa pag-aartista pagkatapos ng journey niya sa Miss Universe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending