Pia naturukan na rin ng COVID vaccine; may warning sa mga bakunado na | Bandera

Pia naturukan na rin ng COVID vaccine; may warning sa mga bakunado na

Ervin Santiago - June 29, 2021 - 09:07 AM

SA gitna ng mataas pa ring bilang ng mga nahahawa ng COVID-19 sa bansa, muling nanawagan si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa madlang pipol na maging maingat pa rin sa paglabas-labas ng bahay.

Isa si Pia sa mga local celebrity na nadagdag sa mga naturukan na ng COVID-19 vaccine. Ibinandera niya ang kanyang pagpapabakuna sa kanyang Instagram account.

Ipinost ng actress-TV host sa IG ang mga litrato niya na kuha sa isang vaccination site. Aniya sa caption, hindi lang ang sarili ang nais niyang proteksyunan kundi pati na rin ang mga mahal niya sa buhay.

“Why did I choose to get vaccinated? It’s as simple as me wanting to protect myself from getting and spreading the virus.

“I don’t want to risk the people around me — especially my loved ones — getting sick because of me,” ang inilagay ni Pia sa caption ng kanyang bakuna photo.

Kasunod nito, pinaalalahanan din ng dalaga ang mga followers niya sa social media na magpabakuna na rin kapag nabigyan ng pagkakataon dahil kailangan ito ng sambayanang Filipino patungo sa ligtas at COVID-19 free Philippines.

“Getting the vaccine can help us avoid becoming severely ill and therefore is a safer choice for us,” mensahe pa ng beauty queen-actress.

Dagdag na payo pa ni Pia, hindi porke bakunado na ay kakalimutan na ang pagsunod sa basic health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

“This doesn’t mean na pwede na tayong bumalik sa old ways natin. Kailangan pa rin mag ingat at sundin ang mga basic health protocols. Parang lang siyang shield, an extra layer of protection for us,” pahayag ng dalaga.

“So, let’s help one another fight this deadly virus by building immunity around us. When given the chance, please take whatever vaccine is made available to you,” sey pa ni Pia.

Kung matatandaan, nag-volunteer din si Pia para tumulong sa COVID-19 vaccination drive ng LoveYourself, Inc., at ng Mandaluyong City last month.

Nag-assist ang kilalang LoveYourself ambassador for HIV awareness and mental health, sa mga volunteer nurse na nagtuturok ng COVID-19 vaccine sa mga frontline workers at iba pang indibidwal na may comorbidities.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Pia, “these vaccination efforts are part of LoveYourself’s honoring and protecting frontline workers in the HIV advocacy as the world celebrates the International AIDS Candlelight Memorial 2021.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending