SB19, Ben&Ben may sorpresa sa A'TINs at Team Liwanag; trending na naman sa socmed | Bandera

SB19, Ben&Ben may sorpresa sa A’TINs at Team Liwanag; trending na naman sa socmed

Ervin Santiago |June 20,2021
facebook
share this

SB19, Ben&Ben may sorpresa sa A’TINs at Team Liwanag; trending na naman sa socmed

Ervin Santiago - June 20, 2021 - 07:07 PM

SIGURADONG ngayon pa lang ay atat na atat at excited na ang milyun-milyong fans ng SB19 at ng Ben&Ben sa bonggang sorpresang inihanda ng dalawang bigating grupo sa Philippine music industry.

Yes, nagsanib-pwersa nga ang award-winning P-pop group at OPM band para sa isang bagong collaboration na mapapanood at mapapakinggan na bago matapos ang buwan.

Kamakalawa, parehong nag-post ang SB19 at Ben&Ben sa kani-kanilang official social media accounts ng teaser poster para sa kanilang project together.

“New Collaboration. SB19 x Ben&Ben,” ang maikling caption na nakalagay sa nasabing IG post. Nakasulat din dito ang petsa ng magaganap na premiere para sa kanilang collab — June 27 sa ganap na 7 p.m..

Dahil dito, agad humataw patungong top trending spot sa Twitter ang hashtag #SB19xBenAndBen. Sunud-sunod din ang mga comments mula sa  Team A’TIN ng SB19 at Team Liwanag ng Ben&Ben.

Walang binanggit na karagdagang detalye ang dalawang kampo kung ano nga ba ang regalo nila sa kanilang respective fandom ngunit may nga nanghula tungkol dito.

Anila, baka raw ang tinutukoy na collaboration ng dalawang grupo ay ang bagong rendition nila ng bagong hit song ng  SB19 na “Mapa” dahil kasama ang nasabing kanta sa mga official hashtag na ginamit sa teaser.

Ang “Mapa” ay isang tribute piece ng SB19 para sa kanilang mga magulang at nagsilbing follow-up single sa isa pa nilang hit track na “What?”

Ang sikat na sikat na ngayong P-Pop group sa buong universe ay binubuo nina Pablo (dating Sejun), Josh, Justin, Ken at Stell habang ang Ben&Ben naman ay binuo ng magkapatid na Paolo at Miguel Guico. 

Ang iba pa nilang miyembro ay sina Poch Barreto (electric guitar), Jam Villanueva (drums), Agnes Reoma (bass), Patricia Lasaten (keyboards), Toni Munoz and Andrew de Pano (percussions), at Keifer Cabugao.

Kamakailan lang ay gumawa na naman ng marka sa kasaysayan ng Philippine music industry bilang  first Filipino act na na-nominate para sa isang Billboard award kung saan nakahilera nila ang mga K-pop icons tulad ng BTS, Blackpink at Seventeen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending