Si Pokwang ang unang lumapit sa GMA para maging Kapuso; maraming pasabog sa TBATS | Bandera

Si Pokwang ang unang lumapit sa GMA para maging Kapuso; maraming pasabog sa TBATS

Ervin Santiago |June 20,2021
facebook
share this

Si Pokwang ang unang lumapit sa GMA para maging Kapuso; maraming pasabog sa TBATS

Ervin Santiago - June 20, 2021 - 09:16 AM

DIRETSAHANG inamin ni Pokwang na siya mismo ang unang lumapit sa GMA 7 para magkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang mga Kapuso stars.

Certified Kapuso na nga ang TV host-comedienne matapos pumirma ng exclusive contract sa GMA Artist Center nitong nagdaang Biyernes, June 18.

“Actually ako ‘yung nagpapasalamat kasi sila ‘yung nag-yes sa akin. Ako talaga ‘yung lumapit since 2019 pa, 2019 pa kami naguusap-usap and, in all fairness naman, binuksan nila ang kanilang mga braso sa akin. Thank you,” pahayag ng komedyana.

Patuloy pa niyang kuwento, “Kasi, siyempre bilang artista, marami pa akong gustong i-share. Marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong iano sa aking mga followers.

“Thankful ako kasi nabigyan naman nila ako ng pagkakataon na matupad ‘yun,” sabi pa ni Pokey.

Bakit nga ba ninais niyang lumipat sa GMA? “Siguro kasi ang dami kong gusto pang magawa ang dami kong gusto pang i-share. Alam mong hindi na ako bumabata, ‘te.

“Kailangan ko na rin kasi gawin ‘yung mga gusto ko hanggang kaya ko pa hanggang malakas pa ‘yung katawan ko,” chika pa niya.

Naging emosyonal naman si Pokwang nang magbigay ng mensahe sa GMA, “Thank you po, maipagpapatuloy ko po ang gusto kong gawin bilang artista. Salamat po sa paniniwala ninyo sa akin.

“Isa pong malaking karangalan po na mapabilang ako sa tahanang ito. Maraming salamat po,” lahad pa ng komedyana.

“Mas lively, mas masaya, para akong isang apoy na pansamantalang pinigil pero ngayon pasabog na, masaya, magaan lang, mas maibibigay ko ang comedic side ko. Dito sa GMA, nakikita kong back ako sa kung saan ako nalilinya talaga, which is comedy. Masaya lang talaga!” dagdag pa niyang mensahe.

In fairness, kakapirma pa lang niya ng kontrata sa GMA ay sunud-sunod agad ang mga projects niya, “Ine-expect ko mapunta ako sa comedy, natupad ‘yan agad-agad.

“May Pepito Manaloto, nasagot agad ‘yun. First guesting ko sa TBATS, sa The Boobay and Tekla Show. ‘Yun po ‘yung una kong inaano ang makabalik ako sa comedy.

“Sobrang natutuwa po ako na ‘yun ang in-expect ko na natupad agad. And answered prayer din na may nakalinya po na drama rin, so grateful and thankful,” aniya pa.

Ngayong gabi na mapapanood ang guesting ni Pokwang sa “TBATS” at sa trailer pa lang ay ipinakita na ang kanyang pag-iyak matapos ngang matupad ang pangarap niya na maging Kapuso na rin.

Nag-share rin siya ng kanyang taping experience kasama ang mga kaibigan at kapwa komedyante na sina Boobay at Tekla.

“Sina Boobay at Tekla naman mga anak-anakan ko na yan sa comedy bar kaya naging magaan rin ang lahat, kaya komportable na kami sa isa’t isa,” sabi ni Pokey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan naman sa mga Kapuso na pangarap niyang malatrabaho ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Barbie Forteza, Ai Ai delas Alas, Maine Mendoza at Dennis Trillo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending