Dingdong kinabahan nang magpabakuna: Pero kailangan natin ito para sa proteksyon ng lahat | Bandera

Dingdong kinabahan nang magpabakuna: Pero kailangan natin ito para sa proteksyon ng lahat

Ervin Santiago - June 13, 2021 - 10:33 AM

INAMIN ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na inatake rin siya ng nerbiyos nang magpabakuna kontra-COVID kahapon, mismong Araw ng Kalayaan.

Tinanggap ng award-winning actor ang kanyang first jab pati na rin ng asawang si Marian Rivera sa ginanap na Ingat Angat Bakuna Lahat campaign ng Task Force T3 para sa private sector.

Bukod sa mga miyembro ng media, kabilang din sa A4 priority list na maaaring maturukan na ng COVID-19 vaccine ang mga actor/performer, production staff and crew.

Sa kanyang Instagram, ibinandera ni Dingdong ang mga litrato nila ni Marian na kinunan pagkatapos nilang mabakunahan sa itinayong vaccination center sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig.

Dito, pinasalamatan niya ang lahat ng nasa likod ng Ingat Angat Bakuna Lahat campaign dahil isinama na nga nila sa priority group ang entertainment workers, pati na ang mga delivery riders, self-employed Pinoys at iba pang essential workers.

“Sa linya ng aming trabaho, madalas ay kailangan mag-shoot sa labas. Kapag sasabak na sa eksena, mask-off. Kailangan naming tanggalin ang aming first line of defense sa COVID-19.

“Kaya ngayong Araw ng Kalayaan, gusto naming magpasalamat sa Ingat Angat at sa lahat ng ating frontliners dahil ngayon din nagsimula ang pagbabakuna sa A4 Priority Group na kasama ang media and entertainment industry, delivery service riders, mga self-employed, at ang iba pang mga manggagawa na nakikipagsapalaran sa pagpunta sa kanilang mga trabaho,” pahayag ni Dingdong.

Ayon pa sa aktor, “Kabado man, through research and consultation with experts, mas nagkaroon ako ng lakas ng loob para magpabakuna.

“This is my way of ensuring not only my health and safety, but also of my loved ones and my community,” aniya pa gamit ang hashtag #IngatAngatBakunaLahat.

Nauna nang hinikayat ni Dingdong ang publiko na magpabakuna na kung mabibigyan na ng pagkakataon para na rin sa proteksyon ng lahat.

“Medyo kabado nga ako pero sa pagri-reseach ko, pagkonsulta sa mga mga doktor saka sa mga eksperto, e, mas naintindihan ko na vaccines are safe and vaccines work,” pahayag ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi nga sa nakita kong banner dito sa amin, you are responsible for the safety of your loved ones and your community so kapag nabakunahan ka na, hindi lang sarili mo ang pwede mong proktektahan, kundi pati ang iyong pamilya at iyong komunidad,” dagdag pa ni Dong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending