Dimples nagluluksa sa pagpanaw ng lola: Hindi po ako handa... Bandera

Dimples nagluluksa sa pagpanaw ng lola: Hindi po ako handa…

Ervin Santiago |June 10,2021
share this

Dimples nagluluksa sa pagpanaw ng lola: Hindi po ako handa…

Ervin Santiago June 10,2021 - 01:53 PM

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ng Kapamilya actress na si Dimples Romana sa pagpanaw ng kanyang paternal grandmother sa edad na 89.

Ibinahagi ni Dimples sa publiko ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Instagram kalakip ang kanilang litrato ng kanyang “Mamay”.

Aniya sa caption, “There goes my (broken heart emoji). Mahal na mahal kita Mamay. Hindi po ako handa.

“Pakiyakap na lang si Pebbles at Papa dyan ha. Nakapako sa alaala ko ang ngiti mong ito,” ang mensahe pa ng aktres sa pamamaalam ng pinakamamahal niyang lola.

Aminado rin si Dimples na talagang  “forever a lola’s girl” siya kaya talagang matindi ang epekto sa kanya ng pagkawala ni “Mamay”.

Sa isa pa niyang Instagram post, sinabi ng Kapamilya star na nakatanggap umano siya ng sign na nagsasabing maligaya at nasa payapang lugar na ngayon ang kanyang lola.

“Today, after prayers and tears I received a sign my dearest Mamay is now at peace and in a happy place in heaven. 

“From now on I’ll celebrate the life that she has lived and I vow to continue to strive to make her proud in everything that I do,” sabi pa ni Dimples.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng nakiramay at nagpahayag ng pagmamahal at suporta sa kanilang pamilya sa pamamaalam ni Mamay.

“Maraming salamat po for all the heartwarming messages you have sent our family’s way. Salamat po for all the kind and wonderful stories you have of my Mamay and Papa,” lahad pa ni Dimples Romana.

Kasabay nito, sinabi rin ng aktres na nasa lock-in taping siya para sa bago niyang proyekto sa ABS-CBN nang makatanggap siya ng tawag tungkol sa pagpanaw ng kanyang lola.

“My ‘Viral’ family here—cast, crew and staff—have been amazing in giving me support and lots of love. I’m blessed to have you all,” pahayag ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending