Anak ni Nicole Hyala na-coma nang ilang araw: Totoong may himala, totoong may Diyos!
“TOTOO pala. May milagro. There is a God!” Yan ang napatunyan ng radio personality na si Nicole Hyala matapos gumaling ang kanyang anak na si Princess mula sa sakit nito.
Ito ang dahilan kung bakit matagal na hindi nagparamdam sa social media si Nicole, kinailangan niyang pagtuunan ng pansin ang naging kundisyon ng anak na na-coma raw ng ilang araw.
Sa unang social post ng sikat na DJ, abot-langit ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa paggaling ni Princess, “HE LORD HAS SHOWN HIS GLORY AND MIGHT. HE HAS GIVEN US A MIRACLE.
“You may have noticed that I was inactive in social media for more than a month.
“I took a break from social media because I needed to take care of my Princess, who unexpectedly got sick with meningoencephalitis, a rare disease that causes inflammation of the brain.
“Gusto ko din kasi na sa susunod na magpo-post ako sa social media ay tungkol na sa story of victory.
“And so, here it is. Our story of victory. A story of how God took over and gave us a miracle. A story of hope. A story of God’s love,” pahayag ni Nicole.
Samantala, idinaan naman ng radio personality at ng kanyang asawang si Renly sa isang vlog ang nangyari kay Princess simula noong April 16 nang bigla itong magkalagnat at ma-confine sa Biñan Doctors’ Hospital.
“She was always sleeping. Yun ang na-notice namin na parang kakaiba. Nu’ng April 16 na nagkalagnat siya, nakatulog siya sa online class niya.
“Hindi naman nangyayari yun. Lagi naman puyat yung batang iyan. Para sa amin, kakaiba. Right after her class, natulog siya uli. E, ito yung tipo ng bata na kailangan mo pilitin matulog,” ani Nicole. Umabot daw ng 38.5 at 38.6 degrees Celsius ang lagnat ni Princess, pero hindi naman daw kinombulsyon ang bata.
“Yung moments na gising siya, nagba-bubble siya. So, sabi ko, ‘Parang may something. What’s happening?” Sey pa niya. Mas lalo raw siyang kinabahan nang sabihin ng doktor na ipatingin na ang bata sa neuro-pediatrician.
“Grabe na yung nerbiyos ko. ‘Bakit neuro-pedia, e, lagnat lang naman meron siya, di ba?’ Iyak na ako nang iyak. Dalawang araw ko na di nakakausap. E, ang daldal ni Princess.
“Napakahirap para sa akin na hindi ko naririnig kuwento niya, hindi ko naririnig tawa niya,” sabi pa ng DJ.
Hanggang sa ma-diagnose na ang bata na may meningoencephalitis at ilipat sa Pediatric Intensive Care Unit (PICU) ng St. Luke’s Quezon City.
“Nilagyan siya ng NGT sa nose. Ang daming nakakabit sa kanya. Tapos hindi siya gumigising. Hindi kami kilala. Sobrang sakit,” ang umiiyak nang kuwento ni Nicole.
“Grabe ‘yung pagkapit namin sa Diyos. Hindi namin siguro maitatawid ‘yung mga minute at mga araw kung hindi kami nagdadasal. Ang hirap, araw-araw, napakasakit talaga, sobra.
“Ngayon nga, sabi nga namin, ito ‘yung pinaka-pinaka closest to God that we have ever been, ‘di ba? Kasi lagi tayong ano, araw-araw kaming nagdadasal. Hindi lang araw-araw, minu-minuto.
“Lahat ng…every opportunity that we get para magdasal, nagdarasal kami kasi hina-haggle namin si Princess.
“Sabi namin, ‘Lord, bigyan mo naman kami ng isa pang chance para makasama siya ulit. Bigyan mo kami ng tsansa na maging mas mabuting magulang po sa kanya,” aniya pa.
At pinakinggan nga raw ng Diyos ang kanilang dasal. Nagpasalamat din sina Nicole sa mga nakilala nilang prayer warriors kabilang na ang mag-asawang Tirso at Lynn Cruz, sina Amy Austria, Gina Alajar at Ali Sotto at sa lahat ng medical staff na nag-alaga kay Princess.
Sa ngayon, okay na ang kundisyon ng bata ngunit kailangan pa ring sumailalim sa physical therapy, occupational therapy at speech therapy.
Sa vlog nina Nicole at Renly, humarap din si Princess para magpasalamat, “Thank you for the people who prayed for me. When I was in the hospital, I had to pray, ‘God, please get me out of the hospital.’ In one month, I got out.
“My last wish was to walk. Now I can walk. Always pray to God, Jesus, and Mama Mary,” mensahe pa ng bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.