Anak ni Ai Ai biktima ng hit-and-run sa US; kotse nahulog sa bangin Bandera

Anak ni Ai Ai biktima ng hit-and-run sa US; kotse nahulog sa bangin

Ervin Santiago |August 18,2021
share this

Anak ni Ai Ai biktima ng hit-and-run sa US; kotse nahulog sa bangin

Ervin Santiago - August 18, 2021 - 08:38 AM

Sean Nicolo at Ai Ai delas Alas

“MAY himala!” Ito ang nasabi ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas matapos makaligtas sa aksidente ang isa sa kanyang mga anak kahapon.

Ibinahagi ng Kapuso comedienne sa kanyang social media account na naaksidente ang anak niyang si Sean Nicolo matapos mabiktima ng hit-and-run sa Amerika.

Ipinost ni Ai Ai sa Instagram ang ilang litrato na kuha sa lugar kung saan naganap ang aksidente. Makikita rito ang kotseng gamit ni Nicolo na nawasak at nahulog pa sa bangin.

Abot-langit naman ang pasasalamat ng komedyana dahil sa kabila ng nangyari ay hindi gaanong nasaktan ang kanyang anak at tinawag nga itong isang himala.

“Nahulog sa bangin pero sa milagro ng Diyos walang galos ang anak ko,” ani Ai Ai kasabay ng pagpapasalamat sa mga pulis at iba pang taong agad na rumesponde sa pinangyarihan ng aksidente.

“Grabe, Lord, salamat po sa pagliligtas sa anak ko. Walang hanggang pasasalamat,” sabi pa ni Ai Ai sa caption gamit ang hashtag na #maymilagroangbuhay.

Samantala, ipinost din ng Kapuso actress ang screenshot ng conversation nila ng anak sa chat kung saan binigyan siya ng update tungkol sa resulta ng X-ray nito.

“Bruise lang po sa hips, pero ice lang po katapat,” sabi ni Nicolo sabay sabing okay naman ang X-ray nito.

Sabi ni Ai Ai caption, “Walang galos, pasa lang sa hips. Kotse nahulog sa bangin. I praise and glorify you, Lord God.

“Salamat sa kabutihan mo at sa milagro ito sa buhay namin. Salamat sa pangalawang buhay ng anak ko,” mensahe pa ng veteran actress.

Matagal nang naninirahan si Amerika si Nicolo kasama ang kapatid niyang Sophia. Sila ay mga anak ng komedyana sa dating singer na si Miguel Vera. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending