Nicole Hyala, Diego Bandido proud scholars: Mahirap walang pinag-aralan

Nicole Hyala, Diego Bandido at Bam Aquino
“ANG hirap mag-aral pero mas mahirap ang walang pinag-aralan,” ang hugot ng sikat na DJ at radio personality na si Nicole Hyala.
Proud scholar noong college si Nicole pati na ang partner niya sa Love Radio program na “Kumikinang na Tambalan” na si Diego Bandido.
Ayon kina Nicole at Diego, napakalaki talaga nang naitulong sa kanila ng nakuhang scholarship upang matupad ang pangarap nilang magkaroon ng college diploma.
Kaya naman nagpapasalamat sila sa free college law ni dating Sen. Senator Bam Aquino na pinakikinabangan ng napakaraming kabataan ngayon.
Ang free college law daw ang nagbibigay pag-asa sa mga estudyante na ituloy ang kanilang pangarap na makatapos ng pag-aaral.
Baka Bet Mo: Anak ni Nicole Hyala na-coma nang ilang araw: Totoong may himala, totoong may Diyos!
“Ito ang nakakalungkot kung minsan. Maraming gustong mag-aral pero walang opportunity.
“Pero with that law, napakalaking bagay talaga. Sobra,” ang pahayag ni Diego sa kanilang radio show last January 28.
Sumang-ayon naman si Nicole sa sinabi ng kanyang partner, “Ang hirap mag-aral pero mas mahirap ang walang pinag-aralan. Kaya mas maganda na meron.”
Binanggit ni Nicole na masuwerte siya at natapos niya ang kanyang kurso sa Assumption College sa pamamagitan ng scholarship dahil ang kanyang nanay ay empleyado ng paaralan.
“Hindi ko makakalimutan kung paano talaga pinush ng nanay ko na makapag-aral talaga ako nang maayos dahil iba talaga ang edukasyon,” sey pa ni Nicole na naging president pa ng Assumption Student Council.
Para kay Diego ang kanyang kagustuhang iangat ang kanyang pamilya mula sa kahirapan ang siyang nagtulak sa kanya para mag-apply ng scholarship mula sa isang foundation.
“Ang haba ng pila. Nagulat ako nakapasa ako. Ang sarap ng feeling noong nakuha ko iyong scholarship at natapos ko ang four-year course,” sey ng sikat na radio personality.
Sa guesting ni former Sen. Bam sa show nina Nicole at Diego, sinabi nitong ang free college law ay nakatulong sa milyon-milyong mag-aaral sa buong bansa na kapos sa budget para makatapos ng kolehiyo.
“Pag-ikot natin, marami talagang magulang, kabataan, nakapagtapos kami dahil sa batas. Ang ganda ng batas na iyan dahil nakakatulong sa tao,” sabi ni Bam.
Kung mahalal siya sa senado, balak ni Bam na palawakin ang free college law at tumulong sa pagkakaroon ng trabaho ang mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.