John Lloyd sa tanong ni Willie kung ready nang ma-in love uli: Handang-handa na! | Bandera

John Lloyd sa tanong ni Willie kung ready nang ma-in love uli: Handang-handa na!

Ervin Santiago |June 06,2021
facebook
share this

John Lloyd sa tanong ni Willie kung ready nang ma-in love uli: Handang-handa na!

Ervin Santiago - June 06, 2021 - 07:18 PM

TALAGANG inabangan ng Kapuso viewers ang pagbabalik-telebisyon ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz makalipas ang halos apat na taong pamamahinga sa mundo ng showbiz.

Tuwang-tuwa ang mga fans and supporters ng aktor nang mapanood siya kanina sa TV special ng isang online shopping application kasama si Willie Revillame sa GMA 7.

Dito, kinumpirma nga nina Willie at John Lloyd na bukod sa nasabing TV special, marami pa raw silang sorpresang ibibigay sa mga Kapuso viewers sa mga susunod na araw.

Sa isang bahagi ng programa, diretsahang tinanong ni Willie si Lloydie kung handa na ba siyang ma-in love uli. Sagot naman ng aktor, “Handang handa na!”

Single na uli ngayon ang award-winning aktor matapos silang maghiwalay ng dating sexy star na si Ellen Adarna na engaged na ngayon sa Kapuso hunk na si Derek Ramsay.

Samantala, mas na-excite pa ang Kapuso viewers nang ibandera na nga ni Willie na bibida sila ni Lloydie sa isang  primetime show ng GMA.

“Abangan niyo ho, abangan niyo magsasama kami ni Lloydie magbibigay saya sa inyo sa isang primetime show. Abangan niyo ho ‘yan dito sa GMA-7,” pahayag ng TV host.

Tinanong din ni Willie si Lloydie kung ano ba ang pakiramdam niya ngayong nagbabalik na siya sa mundong minahal niya sa loob ng maraming taon 

Sey ni Willie kay Lloydie, “Welcome back, handa ka na ba? Anong nararamdaman mo ngayon?”

“Nagpapasalamat sa ‘yo, nandito ako, excited to be back. Si Kuya Willie, nandito ako dahil sa yo, thank you, thank you,” sagot ni John Lloyd.

Sey ni Willie, naiintindihan niya ang pakiramdam ni John Lloyd, “Pinagdaanan ko rin ‘yan, maraming ring taong tumulong sa akin pero ang importante Lloydie, nakausap kita, nagkausap tayong dalawa.

“Napakaganda ng puso mo. Napakaganda ng pagkatao mo. Mahal na mahal mo si Elias, Mahal na mahal mo ‘yung anak mo. Nami-miss ka namin lahat!” pahayag pa ni Willie.

“Ang galing mo, fan mo ko, fan mo kaming lahat. Dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista. Sa totoo lang lahat ng GMA artists gusto kang makasama sa isang pelikula.

“Lloydie, ‘yung sumuporta sa ‘yo na sambayanang Pilipino, I think sila ang dapat mong pasalamatan kaya ka nandito.

“Naririnig ko, nararamdaman ko ang pagmamahal sa ‘yo ng tao, Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula, at alam ko dito tayo magtatapos din. Welcome back, John Lloyd Cruz!” pagwe-welcome pa ni Willie sa aktor.

Samantala, ngayon pa lang ay atat na ang fans ni John Lloyd sa mga gagawin niyang projects sa GMA. Sana raw ay gumawa rin si Lloydie ng teleserye sa GMA kasama sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Dennis Trillo at iba pang big stars ng GMA. 

Pero pansin lang ng isa naming friend na si @RichardTattoo, parang nahihiya pa raw si John Lloyd sa unang pagsabak niya sa telebisyon makalipas ang apat na taong pamamahinga sa showbiz. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Halatang naninibago si John Lloyd sa pagharap niya sa camera. Para siyang naiilang at nahihiya. Baka hindi na siya sanay, matagal din kasi siyang nawala sa showbiz,” sabi pa ng ng aming kaibigan na nakapanood kay John Lloyd sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending