Angeline sa 'super retokada' comment ng hater: Ako rin minsan, hindi ko namumukhaan ang sarili ko | Bandera

Angeline sa ‘super retokada’ comment ng hater: Ako rin minsan, hindi ko namumukhaan ang sarili ko

Ervin Santiago |June 02,2021
facebook
share this

Angeline sa ‘super retokada’ comment ng hater: Ako rin minsan, hindi ko namumukhaan ang sarili ko

Ervin Santiago - June 02, 2021 - 05:48 PM

MATAPANG na binasa at sinagot ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang mga mean comments at hate message sa kanya ng mga bashers.

Isa si Angeline sa mga local celebrities na biktima rin ng matinding panglalait at pambu-bully ng mga walang awang netizens sa social media.

May mga pagkakataon na pumapatol ang dalaga sa mga ito ngunit mas madalas ay dinededma na lang niya ang mga pang-ookray sa kanya dahil kahit ano naman daw ang sabihin niya sa mga ito ay hindi pa rin naman daw siya tinatantanan.

Sa bagong vlog ni Angeline sa YouTube nagbasa siya ng ilang negang comments mula sa mga bashers at ilan nga sa mga sinagot niya ay ang mga nagsasabing masama raw ang ugali niya sa tunay na buhay pati na ang walang kamatayang issue sa kanyang pagpaparetoke.

Sey ng isang hater sa biriterang singer,  “SANA BAGO MO PINARETOKE MUKHA MO UGALI MO MUNA SANA INAYOS MO.”  

Bwelta naman sa kanya ng dalaga, “Alam mo, diyan ako nalulungkot, kasi kung pwede nga lang iparetoke din ang ugali, ginawa ko na.

“Pero kung gusto mo, sabay tayo. Mas maganda yun. Kaya lang, magpapa-schedule pa tayo kay Dra. (Vicki) Belo kasi busy yung tao.

“Ang itatanong ko lang, kung meron kang gustong iparetoke sa ugali ko, ano ba yun?

“At nang mai-take note ko naman at hindi ko makalimutan kung sakaling mag-Belo ako, ipapagawa natin ‘yan. Mas maganda kung sabay na tayo… kaloka ha,” tuluy-tuloy na panunupalpal ni Angeline sa basher.

Isa pang netizen ang nagsabi sa kanya ng, “Halla super retokada na siya… Ndi ko tuloy namukhaan.”
 
Sagot naman sa kanya ni Angeline, “Ako rin minsan, hindi ko namumukhaan yung sarili ko.”

Sinabihan din ang singer ng pangit at mukhang virus na ikinatawa na lang niya nang bongga, “Mukhang virus pala, ha! Sige tatandaan kita, hahanapin talaga kita. Humanda ka!”

Kung matatandaan, very proud pang ibinandera ng singer ang pagiging retokada sa isa niyang Instagram post, “Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.

“Never q ikinahiya kung ano ang mga pinagawa q. At hanggang ngaun napakalaking issue sa iba,” aniya pa.

Samantala, tawa rin nang tawa si Angeline nang mabasa ang comment na, “Mukha kang kilikili na pinaputi ng harina!” Aniya, “Ha-hahaha! Bakit may arina ba sa clinic ni Dra. Belo? Wala naman silang harinang ginagamit doon. Marami niyan sa palengke, sa mga talipapa!”

Sa bandang ending ng video, nagbigay naman ang dalaga ng mensahe sa lahat ng nanglalait at nambabastos sa kanya sa social media.

“Sa lahat po ng mga nababasa kong mga pangba-bash, sa mga nagko-comment po sa akin nang hindi magaganda, okay lang po ‘yan.

“Kung makikilala ko man kayo nang personal, makakasama ko kayo nang personal, isa lang ang masisiguro ko sa inyo.

“Pakikisamahan ko pa rin kayo nang maayos, nang may respeto. Kagaya ng mga pakikisama ko sa lahat ng mga artista na nakatrabaho ko, sikat man ‘yan, bago man ‘yan, matanda man o bata man.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lahat ‘yan pinakikitunguhan ko nang maayos po. And I’m sure, kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makasama kayo at makilala kayo nang personal, ‘yan din po ang ipaparamdam ko sa inyo,” pahayag pa ni Angeline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending