Netizen inireklamo ang pagpapabakuna ni Alice sa Manila: Bakit pag artista may exemptions? | Bandera

Netizen inireklamo ang pagpapabakuna ni Alice sa Manila: Bakit pag artista may exemptions?

Ervin Santiago - May 24, 2021 - 02:02 PM

BINIGYAN nga ba ng special treatment ang aktres na si Alice Dixson kaya agad siyang nakatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccine dito sa Pilipinas?

Isang netizen ang matapang na nag-comment sa Instagram post ng Kapuso actress at inireklamo ang pagpapabakuka nito sa Manila nitong nagdaang May 20.

Sabi ni Alice, naturukan na siya ng second dose ng Pfizer-BioNTech vaccine. Sa ibang bansa siya nagpabakuna para sa unang dose ng vaccine kaya marami ang nagtataka kung bakit dito pa siya nagpaturok ng second dose.

Komento naman ng ilang netizens, sana raw hinintay na lamang niya ang ikalawang dose niya kung saan bansa siya unang nagpabakuna para hindi na siya nakuwestiyon at na-bash.

Tulad na lang ng isang netizen na nagsabing baka raw nabigyan siya ng “special treatment” sa Maynila kaya agad siyang nabakunahan.

“Clearly sa vaccination sites, kung wala kang record ng first dose sa Manila at walang tatak ‘yung vaccination card mo, hindi ka puwede ng second dose.

“Bakit pag artista may exemptions? Pinoy siya, pinoy ka rin, pinoy rin ako, pinoy rin ‘yung mga namamatay na hindi nakakuha ng bakuna. Equal citizens lang po tayo so dapat lahat tayo sumunod sa sistema,” sabi pa ng IG user.

Ito naman ang naging bwelta sa kanya ni Alice, “Given your account is private and possibly a troll I normally would not respond, but for the sake of others who are waiting for vaccinations pa, I’ll humor you for their benefit.”

Pagpapatuloy pa ng “Legal Wives” actress, “Puwede ko lang i-add: Our systems serve as a guide as a general rule; however in cases of extenuating circumstances requiring eg.

“Someone to return back to their country of origin, shouldn’t our system be flexible? Remove the ‘artista’ or special treatment out of the equation…

“Paano ka for example if you were in my shoes? What would you do? Ako kasi, inabangan ko po talaga ang pagdating ng Pfizer sa Pilipinas kaya nagregister din ako like everyone. Then shinare ko dito ‘yun sites and link process,” paliwanag pa niya.

“Other Kababayans do not need Pfizer and can still get other brands as guided in the public info links provided.

“Know that everything will work itself out because more vaccines are coming & everyone will get vaccinated. Wala pong masasayang. Stay safe,” ang katwiran pa ni Alice Dixson.

Kung matatandaan, nagtungo sa Amerika ang aktres at dating beauty queen para sunduin ang kanyang bagong silang na anak (through surrogacy) na si Baby Aura.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isa pa niyang Instagram post noong April 8, ibinandera niya sa publiko na nakuha na niya ang first shot ng kanyang Pfizer vaccine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending