Jake Zyrus sinupalpal ang fans na ‘nakaka-miss’ kay Charice: Binabastos na ang pagkatao ko
RAMDAM na ramdam ng mga supporters ni Jake Zyrus ang galit nito matapos sagutin ang ilang netizens na patuloy na nagkokomento tungkol sa kanya at kay “Charice.”
Tila napuno na kasi ang proud transman singer-composer sa lahat ng mga nagsasabing nami-miss na nila si Charice, lalo na nang marinig na nila ang bagong single niyang “Fix Me”.
“Hala, nagbabalik na siya. I hear Charice’s voice. Yesss. Pagpupuyatan ko na naman siya sa mga songs niya,” comment ng isang netizen.
“Nakaka-miss si Charice. Huhu. I miss your music,” ayon naman sa isa pang fan ni Jake.
Ngunit parang hindi nga ito nagustuhan ng singer kaya sa kanyang Instagram Story, nag-post si Jake ng mahabang mensahe kung saan inilabas na nga niya ang lahat ng sama ng loob.
“I don’t care if you want to listen to my Charice songs all damn day or if you hear my Charice voice in my falsettos, because of course you dumbass MF, boses ko pa rin ‘yon. Nag-transition lang.
“Sabi ko ‘wag na patulan mga ganu’ng tao kasi nagiging feeling na, pero hindi kasi bastos na talaga ang iba. Okay ako kung i-compliment mong naririnig mo kasi totoo naman ‘yon.
“Pero para ipangalandakan mo na ‘Charice is coming back’, and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon, get yo MF transphobia ass away from me,” ang panimulang hugot ni Jake.
Patuloy pa ng OPM icon, “Feeling alam ang sinasabi. Patalino effect. Entitled.”
“I’ve done some interviews where I’d say okay lang kahit sinasabi nilang nami-miss nila si Charice or sayang mga nangyari before and I’d just awkwardly smile and take it just because I wanted to please these MFs.
“Nakakalito na nga interviews ko para kahit papano ‘di masyado problematic at medyo pasok pa rin sa ‘nyetang standards ng karamihan.
“I am not MF okay with this. Kasi the more na sinasabi kong ‘Ah, oo, okay lang ‘yun,’ okay lang na nagkakamali silang tinatawag akong Charice or okay lang na tanggap nila ako as Jake pero mas gusto nila ako pre-transitioned, the more na nagiging kampante ang ignoranteng palaka na bastusin kung ano ang naging desisyon ko sa buhay ko,” pahayag pa ng singer-composer.
Dagdag pang chika ni Jake, “Lagi na lang ako nag-iisip kung anong sasabihin ko sa mga interviews para balance lang ang maisip ng mga tao at para ‘di sila ma-trigger at sabihin na wala akong utang na loob or the ‘kung ‘di dahil sa amin or akin mentality’.
“Never again. Ilang beses na akong na-offend na hindi ako nagsasalita. Last na ‘to. Tutal ke public or sa family or sa mga ex-friends ko eh mayabang at masama ang ugali ko, so be it.
“I know my MF heart. Bring it on,” matapang na bwelta ni Jake.
Para naman sa lahat ng mga taong patuloy na nambabastos sa kanya, “Hindi ‘yung respeto sa nakaraan, bastusin ang kasalukuyan.
“Ayusin mo opinyon mo. Ay, hindi pala opinyon ‘yan. Insulto ‘yan. Ignorante ka nga pala.
“Prepare ko sarili ko sa ibang sasabihing sila pa mabu-bully. LOL. Really tho, bless your hearts. Full of hate, convincing yourselves na tama ka just because sa mata ng tao normal ka? LUL.
“This goes out to some LGBTQ+ na bashers ko rin. Sa totoo lang tayo. ‘Di talaga sa labels ‘yan. Ugali ng tao talaga ‘yan,” aniya pa.
Ito naman ang mensahe niya sa mga nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga pagbabagong nangyari sa buhay niya.
“Salamat sa mga nirerespeto ang mga nagawa ko before at nagagawa ko ngayon. Salamat kung naririnig niyo Charice voice ko, yet naa-appreciate din ang boses ko ngayon. Salamat sa mga nandiyan dahil sa mga nagagawa ko ngayon. … Love you, guys!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.