Liza hindi keri ang pressure sa beauty pageant: Baka mahimatay ako sa stage | Bandera

Liza hindi keri ang pressure sa beauty pageant: Baka mahimatay ako sa stage

Ervin Santiago - May 20, 2021 - 09:50 AM

FEELING ng Kapamilya actress na si Liza Soberano hindi niya mami-meet ang ang expectation ng mga Pinoy pageant fans sakaling sumali siya sa Miss Universe Philippines pageant.

Matapos matalo si Rabiya Mateo sa  69th edition ng Miss Universe na ginanap sa Amerika, marami ang kumukumbinsi ngayon kay Liza na mag-join na sa beauty pageant dahil baka raw siya na ang susunod na makoronahan at makapag-uwi ng titulo.

Muling naging trending topic sa social media ang pangalan ng girlfriend ni Enrique Gil nang mag-viral ang isang Facebook post kung saan nakasaad na sasali na raw si Liza next year sa Miss Universe Philippines para makuha ang korona na hindi nasungkit ni Rabiya.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng dalaga at sinabing wala siyang FB account, ibig sabihin “fake news” nga ang kumalat na chika na game na siyang sumabak sa mga beauty pageant.

“I’m very flattered, nakakakilig na gusto ng mga tao na sumali ako sa Miss Universe. But, like I’ve always said noon pa, I really don’t think it’s for me,” ang pahayag ni Liza sa “Kapamilya Chat” kahapon.

Dagdag pa niyang paliwanag, “I get anxiety when I’m on stage. ‘ASAP’ pa nga lang, sasayaw lang naman ako, hindi naman magsasalita, grabe na ‘yung kaba ko.

“What more if it was for Miss Universe? I don’t think that I would give justice to everybody’s expectations. I think I would pass out on stage,” pagpapakatotoo pa ng alaga ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz.

Kasunod nito, binalikan ng dalaga ang pagganap niya sa life story ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ipinalabas sa “Maalaala Mo Kaya” noong 2017.

“Na-experience ko kahit paano ‘yung training for Miss U. Grabe, ang taas ng heels na sinusuot nila! Ako, hindi ako sanay sa sobrang mataas ng heels, kasi may height na rin ako. Sanay ako sa mababa.

“When I tried the high heels, I was tripping all the time. Malamang, kapag sumali ako sa Miss U, madadapa rin ako sa stage, even though may training,” natatawang chika ni Liza.

Hiningan din siya ng mensahe para kay Rabiya, “When we found out she wasn’t going to be part of the top 10, we all felt really hurt for her.

“It wasn’t fair! Of course, bias natin ang Philippines. Everything she has been going through, all the training, hindi talaga siya biro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But win or lose, she’s still a winner for all of us Filipinos. I believe she represented us very well. She made us all proud. She did so amazing on stage,” sabi pa ni Liza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending