Paolo 'nadamay' sa viral photo ng babaeng empleyado; nangakong reregaluhan ng tunay na cake | Bandera

Paolo ‘nadamay’ sa viral photo ng babaeng empleyado; nangakong reregaluhan ng tunay na cake

Ervin Santiago |May 18,2021
facebook
share this

Paolo ‘nadamay’ sa viral photo ng babaeng empleyado; nangakong reregaluhan ng tunay na cake

Ervin Santiago - May 18, 2021 - 09:13 AM

ALIW na aliw si Paolo Contis sa viral na ngayong litrato ng isang birthday celebrator na niregaluhan ng paandar na cake ng kanyang mga kasama sa trabaho.

Maraming naaliw, natuwa at na-touch sa kumalat na photo ni Katrina David na nakatanggap nga ng isang “cake” na binuo gamit ang ilang piraso ng mangga at pake-pakete ng biskwit. Ang flavor daw nito ay “Mango Bravo.”

Makikita sa kahong pinaglagyan ng nasabing “cake” ang litrato ni Paolo Contis para palabasing nanggaling ito kuwari sa isang kilalang bakeshop na kapareho ng apelyido ng Kapuso comedian.

Ang nasabing viral photo ay in-upload ni Cheenz Olalia Malang sa trending Facebook group na “Homepaslupa Buddies.” Aniya, talagang nag-ambagan sila ng kanyang officemates para mabilhan ng “cake” si Katrina.

“Hi mga kaslapsoil. share ko lang nagawa naming kabutihan. Naiyak officemate namin di expect na gagastusan tlga namin bday nya. Tamang ambagan lang malayo tlaga mararating,” ang caption na nakalagay sa birthday photo ni Katrina.

Hanggang sa makarating na nga ang Facebook post kay Paolo at nagkomento ng, “Ang daming nag-tag sakin nito! hanep talaga taba ng utak ng pinoy! Lalo na ang mga slapsoils!”

Nag-promise rin ang Kapuso TC host-actor na reregaluhan niya si Katrina ng tunay na cake, “May nakakaalam ba sino tong si ate?”

“Paki tag naman siya nang makausap ko at mapadalhan ko siya ng tunay na cake! pero guys, ipapaalala ko lang ha…hindi po sa akin ang Conti’s Bake Shop!” sey pa ng komedyante.

Sinagit naman agad ng uploader ang tanong ni Paolo at humirit pa na baka raw may kilala ang aktor na pwedeng maireto sa kanilang kaibigan dahil single rin daw ito.

Nang mabasa naman ni Katrina ang comment ni Paolo ay agad itong nag-sorry ngunit nagpasalamat naman sa pangakong tunay na cake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending