Resbak ni Geneva sa 'pinakapangit sa Cruz' comment ng basher: Ganda mo kasi, wag ka mainggit! Bandera

Resbak ni Geneva sa ‘pinakapangit sa Cruz’ comment ng basher: Ganda mo kasi, wag ka mainggit!

Ervin Santiago |May 12,2021
share this

Resbak ni Geneva sa ‘pinakapangit sa Cruz’ comment ng basher: Ganda mo kasi, wag ka mainggit!

Ervin Santiago May 12,2021 - 12:13 PM

SINUPALPAL ni Geneva Cruz ang isang basher na tumawag sa kanyang “pinakapangit” sa magpipinsang Cruz na nasa showbiz.

Ayon sa OPM artist at aktres, hindi na siya apektado sa mga panglalait at pang-ookray sa kanya ng mga netizens sa social media pero gusto rin niyang ipamukha sa lahat ng ‘negatron’ na maling-mali ang ginagawa ng mga ito.

Una nang sinagot ni Geneva ang nasabing hater sa comment nito sa kanyang Instagram post kung saan nilait nga ang kanyang itsura at ikinumpara pa sa mga pinsan niyang sina Sunshine, Donna at Sheryl Cruz.

“Pinakapanget talaga tong c Geneva sa magpipinsan pero cya pa napakaraming julake (read: lalaki) while Donna ang ganda na matino pa,” ang panglalait kay Geneva ng basher.

Bwelta naman ni Geneva sa kanya, “LOL ganda mo kasi. Wag ka mainggit, that’s gonna make you uglier. Oh, you sound like a complete idiot. Take care.

“Walang pangit sa pamilya ko. Walang pangit na tao. Ugali mo lang ang pangit. Which makes you… pangit. You need a hug,” ang resbak pa ng singer.

Kasunod nito, muli siyang nag-post sa IG kahapon para ipaliwanag na hindi siya nasasaktan o napipikon sa pangnenega ng mga netizen sa kanyang itsura dahil tanggap na niya kung sino siya pati na ang lahat ng mga kapintasan niya.

Mariing pahayag ng dating member ng OPM group na Smokey Mountain, “I wasn’t affected sa sinabi niya. I love how I look, and I’m comfortable in my skin.

“Even when I was still with the Smokey Mountain group, I felt beautiful na, kahit ano pa ang sabihin ng iba so walang kaso sa ‘kin yan. Gusto ko lang siya i-highlight since ‘yun ang gusto nya… ‘ATTENTION,'” paliwanag ni Geneva.

Narito naman ang kanyang mensahe sa lahat ng mga namba-bash sa kanya at sa kanyang pamilya, “Putting me and some of my relatives down while you put one of our blood up on a pedestal will not make you a relevant person; it only makes you rude and irreverent. Pamilya kami and family stick together like glue.

“I can’t with these bullies; sometimes, they need a dose of their own medicine to know they are making themselves look like complete fools at hindi cute ang ganong attitude kahit fake accounts pa sila.

“Underneath that ‘fake account’ is a real, toxic human being. Hindi nila ikaka-succeed ang pagiging mean at disrespectful, unless they only want to stay in their little world,” lahad pa ng aktres at singer.

Pagpapatuloy pa niya, “Suppose they want to do well in society, dapat makisama sila. Values reflect our sense of right and wrong.

“They help us grow and develop. They help us create the future we want. The decisions we make every day are a reflection of our values. They are pitiful but still very changeable.

“Pwede pa sila magbago. Lahat naman tayo nagkamali or nag-kakamali. Since page ko ito, may right akong pagsabihan sila,” paalala pa ni Geneva.

Kung matatandaan, naging headline rin ang aktres nito lang nakaraang Marso nang patulan niya ang ilang netizens na nagsabing maitim daw ang kanyang singit base sa ipinost niyang bikini photo sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending