Rica natakot para sa mga anak habang nakikipaglaban sa COVID | Bandera

Rica natakot para sa mga anak habang nakikipaglaban sa COVID

Ervin Santiago - May 10, 2021 - 09:18 AM

IDINETALYE ni Rica Peralejo sa kanyang vlog ang mga pinagdaanan nila ng asawang si Joseph Bonifacio nang pareho silang tamaan ng COVID-19.

Ayon kay Rica, nu’ng una raw ay wala siyang nararamdamang symptoms pero napansin niya na grabe ang pagpapawis niya that time.

“Ako ‘yung nauna. March 20, we had a shoot in the house dalawa silang kasama ko but I really didn’t know that I had anything. I was just exceptionally pawisin noong araw na yun. Pero kasi ang init din.”

“Confused na confused ako. May sakit ba ako or pawisin ba ako? Prior to that, I kept sneezing also. It felt like we were having an allergy because even the kids were sneezing and ikaw,” pagtukoy ng aktres sa kanyang mister ni Joseph.

Noong sumunod na araw, isa-isa nang naramdaman ni Rica ang iba pang sintomas, “Next day sabi ko sa kanya I kinda don’t feel well. Medyo flu-ish na yung feeling ko sa kama.

“I kinda suspected na rin kasi my symptoms are not going away. I just didn’t detect it right away because my symptoms were so mild and so common.

“It’s something that I always experience like some pain in the back, sipon or ubo. Normal na kapag napapagod ako, ito yung mga nangyayari sa akin. It didn’t really occur to me this time that I could be COVID,” kuwento niya.

Dito na nagpa-test si Rica at  nalaman nga niyang positibo siya sa killer virus, “Walang nagma-manifest na severe symptoms. It’s manageable healthwise in our house.”

Pero mas tumindi pa ang nararamdaman niya sa mga sumunod na araw, “9th, 10th, 11th day mo, doon ka puwedeng mag-develop ng more symptoms na medyo mas mahirap.”

Sinabihan siya na baka kailangan na niyang pumunta sa ospital pero, “I said that if this what God wants if this how God wants to heal me I will do it. I will keep praying.”

“That kinda comforted me, that I didn’t need to go to the hospital. But of course, it started a thread of worries in my head. Whenever I would look at my kids, naiisip ko na, ano ba ito? Ito na ba yung mga story na naririnig mo na last time mo na sila makikita?” aniya pa.

Noong gumagaling na si Rica, ang kanyang asawa naman ang nagkaroon ng COVID-19 symptoms, “By the time I was healing yung asawa ko na yung nag-exhibit ng symptoms.”

Sabi naman ni Joseph, “Severe congestion. Parang allergic rhinitis lang. Nag-progress na into body pains, flu-like symptoms the migraines is really difficult.”

“My husband is a really strong person but when he started showing signs of weakness lalo akong natakot,” sey naman ni Rica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas ang ilang linggo, pareho nang bumuti ang kanilang kundisyon. At ang isa pa talaga sa ipinagpapasalamat nila ay hindi nahawa ang kanilang mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending