Kiko hindi ipagpapalit ang pagiging asawa ni Mega sa kahit anong bagay sa mundo Bandera

Kiko hindi ipagpapalit ang pagiging asawa ni Mega sa kahit anong bagay sa mundo

Reggee Bonoan |May 09,2021
share this

Kiko hindi ipagpapalit ang pagiging asawa ni Mega sa kahit anong bagay sa mundo

Reggee Bonoan - May 09, 2021 - 07:00 PM

NAGBIGAY ng tribute sa kanyang ina si Sen. Kiko Pangilinan kasabay ng pag-alala sa ginawang pag-aalaga sa kanya lalo pa’t isa siyang sakitin noon.

Ipinost ng senador ang larawan niya noong bata kasama ang ina (na kahawig pala ni Angeli Pangilinan) na ang caption ay, “Happy Mother’s Day, Mommy!

“As a child I was very sickly. Mommy ko ang nagaalaga sa akin kapag inaatake ng ubo’t sipon at at nagdedelirio sa sobrang taas ng lagnat.

“Punas dito, paginom ng gamot at pag check ng lagnat. Kapag siyam kayong magkakapatid, napaka laking bagay ‘yung dagdag na alaga na yun. Kahit saglit, solo ko ang atensyon ni Mommy.

“Si Mommy ko rin ang nagturo sa akin na maging malapit kay Jesus, laging manalangin at magsindi ng kandila habang nananalangin sa Dios,” kuwento pa ng asawa ni Megastar Sharon Cuneta.

“Nu’ng mga 6 years old ako at dahil sa mga kwento ni Mommy tungkol sa mga Santo, nangarap akong maging isang Santo tulad ng mga Santo sa kwento ni Mommy.

“Dalawang araw akong nagpakabait, nagdasal umaga hapon at gabi, binasa ang mga libro tungkol sa mga Santo lalo na yung librong Marcelino Pan y Vino, naging matulungin sa paga-ayos sa bahay, umiwas na magalit at laging kumilos ng mahinahon at mahinahon din magsalita sa mga kapatid at mga kasama sa bahay.

“I tried my best to be saintly, to be kind, loving, helpful, prayerful. After 2 days, nag give-up na ako. Mahirap pala magpaka banal. 2 days lang hindi ko kinaya,” pahayag pa niya.

Dagdag pa ni Sen. Kiko, “THANK YOU Mommy for your amazing sacrifice and tireless, relentless efforts in educating us, raising all of us to be God fearing, prayerful 9 kids. I love you Mommy HAPPY MOTHER’S DAY!”

Bago magbigay ng mensahe sa ina ay nauna na niyang binati ang asawang si Sharon. Ipinost niya ang larawan nito kasama ang mga anak nilang sina KC, Frankie, Miel at Miguel.

“Happy Mother’s Day to my sweetheart, Sharon (emoji hearts). The mother of all my children, without whom I would not be the Dad of four.

“Thank you for all that you have done and have sacrificed for our kids and our family. I would never trade being a husband to you or being a dad to our kids with anything in the world. I love you dearly!” sabi pa ng senador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending