Vice buking ang mga nanglalandi kay Ion; maraming bonggang pasabog sa ‘Gandemic’ concert
MALALIM pala ang hugot ng bagong kanta ni Vice Ganda na “Higad Girl,” na hot na hot ngayon bilang latest dance challenge sa TikTok.
Base pala sa sariling experience ng TV host-comedian ang tema at lyrics ng kanta, ang pag-amin niya sa “ASAP Natin ‘To” ngayong araw.
Kuwento ni Vice, nalaman daw niyang may mga babaeng lumalandi sa boyfriend niyang si Ion Perez.
“Alam naman nila na dyowa ko na si Ion, pero mine-message pa rin nila sa Messenger at sa Instagram,” chika ni Vice.
“Pinabasa sa akin ni Ion. Mga mensaheng may kasamang harot at motibo,” aniya pa.
Ang higad ay uod na may balahibong nagpapakati kapag nadikit sa balat ng tao. Ginagamit din ito bilang panglarawan sa isang taong malandi.
Inilabas ni Vice Ganda ang lyric video ng “Higad Girl” noong nakaraang buwan at kalauna’y naging online dance challenge ito.
Samantala, sa nakaraang presscon para sa upcoming digital concert niyang “GANDEMIC: Vice Ganda The VG-tal Concert” sinabi ng TV host na sa kabila ng mga pangit na kaganapan sa bansa ay positibo at nakakakita pa rin siya ng kagandahan.
“Sa kapangitan ng nangyayari sa atin ang kagandahan do’n maaari tayong makapag-develop ng wisdom.
“Maaari tayong makapag-develop ng strength from that weakness kasi everywhere around you, you can see a lot of weaknesses, weaknesses from people, weaknesses from circumstances.
“Pero from that experience, strength can grow, strength can be developed, di ba, yon yung beauty noon.
“From every bad experience magiging beautiful siya kung magkakaroon ng magandang learning and if that bad experience can bring strength within you, yon yung magiging beauty noon.
“Tapos isa pa, ang beautiful sa mga pangit na nangyayari ngayon nalalaman mo kung ano talaga yung may mga totoong value, kung ano yung may eternal value.
“Kasi minsan, di ba pag walang masakit na nangyayari parang tine-take for granted lang natin yung ibang valuable things, eh.
“Pero kapag nagkaroon ka ng threat na baka mawala sa ’yo yung mga bagay at mga taong ito doon mo malalaman na, ‘Ay, ang valuable pala nito,’” paliwanag ni Vice.
Speaking of “GANDEMIC: Vice Ganda The VG-tal Concert” na mapapanood sa KTX.Ph sa July 17 (tickets available now on https://bit.ly/Gandemicpp), inamin ni Vice na siguradong maninibago siya dahil walang live audience.
“Mahirap talaga siya, sobra siyang mahirap. Buti na nga lang, bago tayo magko-concert sa July, eh, nae-experience ko na siya sa Showtime. So napa-practice ko na siya sa Showtime na nagpapatawa ka, na dumadakdak ka na wala kang audience,” aniya pa.
“Ganu’n din naman yung vlogging, wala kang audience pero gumagawa ka mga content na nakakatawa tapos makikita mo na lang sa comment section kung gaano sila kasaya, kung gaano sila tawang-tawa.
“Actually, nasasanay na nga din ako, sanay na rin ako ng walang audience dahil nagba-vlog ako tapos may Showtime.
“So, from my training sa comedy bar at sa live concert scene na may audience na marami biglang naging ganito na, so the only way is just adapt, di ba? Adapt lang tayo nang adapt,” chika pa ni Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.